Maghapon at magdamag na nakabantay sa isang checkpoint ang mga pulis sa Bacoor City, Cavite para matiyak na naipatutupad ang enhanced community quarantine.
Gaya ng ibang frontliner, hindi sila ligtas sa panganib ng coronavirus disease , lalo at iba't ibang tao ang kanilang nakakasalamuha.
Pero naibsan ang pangamba ng mga pulis nang dumating ang mga face shield mula sa Bureau of Jail Management and Penology , na mismong ginawa ng mga nakapiit sa Metro Manila District Jail . Para sa mga person deprived of liberty , ang pagbuo ng mga face shield ang kanilang maliit na ambag sa bayan para masugpo ang pagkalat ng COVID-19."Napanood po namin sa TV nangyayari sa labas kaya imbes na magmukmok kami at maburyo, nagsama-sama kami para gumawa ng face shield," anang isa pang PDL.
Bukod sa mga pulis-Bacoor, binigyan din ng face shield ang ilang ospital at iba pang checkpoint frontliner, ayon kay Jail Chief Inspector Lino Soriano ng MMDJ Annex. Samantala, tuloy-tuloy naman ang operasyon ng pulis-Bacoor laban sa mga lumalabag ng mga patakaran ng quarantine. Kasama sa mga inaresto ang mga nag-iinuman at nagsusugal.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Mga pekeng e-mail, text: Mga bangko nagbabala vs scammers
Read more »
LIST: Metro Manila supermarket schedules, Holy Week 2020Check out schedules here: HolyWeek2020
Read more »
Robredo: More dormitories available for COVID-19 frontliners in Metro Manila, nearby provinces
Read more »
DOH launches 24/7 hotline in Metro Manila for free medical consultations
Read more »
Online delivery ng mga gulay, inilunsad ng pamahalaan ng Quezon City
Read more »
'Pantawid ng Pag-ibig': Mga nasunugan sa Parañaque inabutan ng tulong
Read more »