Nagbabala ang mga bangko laban sa mga nananamantala ng lockdown sa Luzon para makapanloko sa kanilang mga kliyente.
Ayon sa Bankers Association of the Philippines, marami na silang nakikitang mga e-mail na nagsasabi sa mga kliyente na mag-click ng link para maiwasan ang pag-deactivate ng kanilang account dahil sa COVID-19.
Ipinayo ng grupo sa publiko na huwag i-click ang link dahil makokompromiso ang seguridad ng account ng isang indibiduwal.Dagdag ng BPI, hinding-hindi sila hihingi ng mga confidential na impormasyon -- kasama ang mga one-time pin -- sa pamamagitan ng e-mail, text, o tawag. Ginagamit na rin ng mga scammer ang utos ng gobyerno na magbigay ng 30-day grace period sa mga utang at payment due na babagsak sa Luzon lockdown, ayon sa Banco de Oro
Nagpapanggap ang mga scammer na lehitimong empleyado ng mga bangko at nag-aalok ng loan payment extension sa pamamagitan ng e-mail at tawag, sabi ng BDO. Nagpatupad ng lockdown sa buong Luzon hanggang Abril 12 para mapabagal ang pagkalat ng sakit na COVID-19. Hindi pa naga-anunsiyo ang gobyerno kung palalawigin pa ito.