Lalaki, huli sa panghoholdap at panunutok ng patalim sa isang babae

Btb News

Lalaki, huli sa panghoholdap at panunutok ng patalim sa isang babae
BtbbalitaHoldapSan Mateo Rizal
  • 📰 gmanews
  • ⏱ Reading Time:
  • 55 sec. here
  • 5 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 35%
  • Publisher: 68%

Timbog ang isang 20-anyos na lalaki matapos holdapin at tutukan ng patalim ang isang babae sa San Mateo, Rizal.

Sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita nitong Martes, sinabing naganap ang insidente pasado 10 p.m. noong Linggo. Parehong residente ng Barangay Silangan ang suspek at ang biktima, ayon sa pulisya.“Kabababa ko lang po ng jeep galing pong work. Kasi umuulan, parang konti lang, wala akong kasabay na naglalakad. ‘Yun pala, siguro ano, ando’n lang siya nakatago. Sa likod, bigla na niya akong sinakal dito tapos may nakatutok na ice pick. Nagsisigaw-sigaw na po ako pagkakuha sa bag ko.

Natangay umano ang kaniyang bag na naglalaman ng ilang gadget, kabilang ang cellphone, mga ID, at ATM cards.Nagtamo ang biktima ng mga galos at pasa sa iba't ibang bahagi ng katawan.Hindi na nabawi ang mga nanakaw na gamit ng biktima, ngunit nakuha mula sa suspek ang ginamit niyang ice pick, bolo, at umano'y marijuana at shabu.

Itinanggi ng suspek ang akusasyon laban sa kaniya at iginiit na pauwi na siya noon galing trabaho kasama ang kaniyang pinsan.“Wala po talaga akong alam sa panghoholdap na nangyari po noon. Napagbintangan lang po. Dinampot lang po nila ako nang biglaan na binugbog po agad nila,” anang suspek. Ngunit batay sa tala ng pulisya at barangay, dati nang nabilanggo ang suspek sa kasong illegal possession of bladed weapon noong Abril at nakalaya noong Mayo nitong taon.

Nakakulong ang suspek sa custodial facility ng San Mateo Municipal Police. Mahaharap siya sa reklamong robbery with violence, illegal possession of bladed weapon, at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News

We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

gmanews /  🏆 11. in PH

Btbbalita Holdap San Mateo Rizal

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

Lalaking ilang buwan pa lang nakakalaya, balik-kulungan matapos maaresto sa drug opsLalaking ilang buwan pa lang nakakalaya, balik-kulungan matapos maaresto sa drug opsTimbog sa ikinasang drug buy-bust operation ng pulisya ang isang lalaki sa loob ng isang bahay sa Barangay Pasong Putik Novaliches, Quezon City.
Read more »

Lalaki, huli sa paulit-ulit na pangmomolestiya umano sa 13-anyos na anak na babaeLalaki, huli sa paulit-ulit na pangmomolestiya umano sa 13-anyos na anak na babaeArestado sa Naic, Cavite ang isang 43-anyos na lalaki matapos niyang ilang beses na molestiyahin umano ang kaniyang sariling menor de edad na anak na babae sa Pangasinan.
Read more »

Lalaki, patay nang bagsakan ng improvised barbell at pagsasaksakin ng katrabaho sa CebuLalaki, patay nang bagsakan ng improvised barbell at pagsasaksakin ng katrabaho sa CebuNasawi ang isang lalaki matapos siyang bagsakan ng improvised barbell at pagsasaksakin pa ng kaniyang katrabaho dahil sa personal na alitan umano sa isang poultry farm sa Balamban, Cebu.
Read more »

16-anyos na lalaki, sinaksak umano ng kapwa menor de edad sa Navotas16-anyos na lalaki, sinaksak umano ng kapwa menor de edad sa NavotasSugatan ang 16-anyos na lalaki matapos siyang saksakin umano sa braso at tagiliran ng isa pang menor de edad na nakasagupa nito sa Barangay NBBS Dagat-dagatan, Navotas, Martes ng gabi.
Read more »

2 lalaki na inawat sa pagbirit sa videoke sa Q.C., namaril; 2 patay, 1 sugatan2 lalaki na inawat sa pagbirit sa videoke sa Q.C., namaril; 2 patay, 1 sugatanDalawa ang nasawi--kabilang ang isang barangay tanod-- matapos silang barilin ng dalawang lalaki na inawat sa pagbirit sa videoke session sa isang residential area sa Barangay Sauyo sa Quezon City nitong Martes ng gabi.
Read more »

Lalaki, iniligpit ng sariling tropa sa Pasig; bangkay niya, itinago sa septic tankLalaki, iniligpit ng sariling tropa sa Pasig; bangkay niya, itinago sa septic tankKalunos-lunos ang sinapit ng isang lalaki sa kamay kaniyang mga kaibigan sa Pasig. Matapos siyang pagtulungang patayin, mistulang inilibing ang kaniyang bangkay sa poso-negro na sinementuhan.
Read more »



Render Time: 2025-02-13 17:36:24