Sugatan ang isang 11-anyos na lalaki na nagbibisikleta sa national road sa Mangaldan, Pangasinan nang mabangga siya ng isang kotse na nasa tamang linya ng daan.
Sa ulat ni Claire Lacanilao sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Huwebes, makikita sa CCTV footage ng Barangay Malabago na galing sa kabilang bahagi ng kalsada ang binatilyo at tumawid patungo sa linya ng umaandar na kotse na nakabangga sa kaniya.Ayon sa punong barangay na si Myla Muyargas, nagtamo ng sugat at gasgas ang biktima, at pumailalim din sa sasakyan ang bisikleta.
Inihayag pa ni Muyargas, na sinabi umano ng driver ng kotse na alam niya na paparating ang bisikleta kaya siya nagpreno pero nasagi pa rin niya ang binatilyo.Paalala naman ni Mayargas sa mga nagbibisikleta, national road ang kalsada kaya dapat magpunta sila sa nararapat at ligtas na linya ng daan para maiwasan ang digrasya.
"Kung tatawid po tayo tingnan natin ang kaliwa at kanan para hindi po tayo madisgrasya," dagdag niya.--FRJ, GMA Integrated News
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
15 poste, natumba nang sumabit sa mga kawad ang isang truck sa Marilao, Bulacan; 2, sugatanLabing-limang poste ang natumba nang sumabit at mahatak ng isang truck sa mga kawad sa Marilao, Bulacan. Dalawang ang nasugatan sa insidente at nasa mahigit 700 kabahayan ang nawalan ng kuryente.
Read more »
Lalaki, huli nang saksakin sa inuman ang dalawa niyang kaibigan; 1 patay, 1 sugatanTimbog ang isang lalaki matapos niyang saksakin ang dalawa niyang kaibigan habang nasa inuman sa Valenzuela City.
Read more »
Mister patay, misis sugatan matapos silang pagbabarilin sa bigasan sa AbraPatay ang isang negosyante, habang sugatan ang kaniyang asawa matapos silang pagbabarilin sa kanilang tindahan ng bigas sa Manabo, Abra. Ang mga suspek, naaresto sakay ng pick-up truck na pag-aari ng isang konsehal na itinangging sangkot siya sa krimen.
Read more »
Lalaki sugatan sa pamamaril ng nakaalitang sekyuSa kulungan ang bagsak ng 54 anyos na security guard matapos niyang barilin ang isang palaboy na babatuhin umano siya ng bato.
Read more »
8 sasakyan, nagkarambola sa Mindanao Avenue; tatlo, sugatanSugatan ang tatlong katao matapos magkarambola ang walong sasakyan sa Mindanao Avenue sa Quezon City pasado alas otso nitong Lunes ng gabi.
Read more »
Jeepney driver, sugatan nang saksakin ng pasaherong 'di nagbayad ng pamasahe sa RizalNagtamo ng sugat ang isang jeepney driver matapos siyang saksakin ng isang pasahero na kaniyang sinita dahil hindi nagbayad ng pamasahe sa Cainta, Rizal. Ang suspek, umaming lasing at nawala umano ang kaniyang wallet kaya wala siyang maipambayad.
Read more »