Patay ang isang negosyante, habang sugatan ang kaniyang asawa matapos silang pagbabarilin sa kanilang tindahan ng bigas sa Manabo, Abra. Ang mga suspek, naaresto sakay ng pick-up truck na pag-aari ng isang konsehal na itinangging sangkot siya sa krimen.
Sa ulat ni CJ Torida sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Martes, nagpanggap umano na mga kostumer ang mga salarin nang pagbabarilin ang mag-asawang biktima sa kanilang tindahan sa Barangay San Ramon West, nitong Martes ng 1:00 pm.
"Base sa mga witnesses natin, nakita nila na nasa loob sila ng kanilang puwesto ng bigasan , nang mayroong riding-in-tandem, bumaba 'yung backride at pinagbabaril na ang mga biktima," ayon kay Police Captain Rovisco Dulnuan, acting chief of police ng Manabo Municipal Police Station. "Bale base sa impormasyon, dalawa sila na nagco-convoy, nauna lang yung motor," sabi ni Police Major Bede Dakiwas, acting chief of police ng Bucay Police Station.Nakuha sa pickup truck ang tatlong baril na kalibre .45, isang baril na kalibre .25, at mga bala.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Lalaking kumakain, patay sa pamamaril sa QuezonPatay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin habang kumakain sa isang restaurant sa Sariaya, Quezon.
Read more »
Babae, patay matapos undayan ng saksak ng kaniyang live-in partner sa CaloocanBabae patay matapos undayan ng saksak ng kaniyang live-in partner sa Caloocan
Read more »
Babae na nakunan ng larawan sa bintana, kaluluwa nga ba ng isang lola na matagal nang namayapa?Hindi makapaniwala ang isang pamilya sa Lagangilang, Abra matapos na makunan umano ng larawan ang kanilang lola na nakadungaw sa bintana kahit na 15 taon na itong patay.
Read more »
47 anyos nga mama naigo sa trak, pataySunStar Publishing Inc.
Read more »
Bana mipusil-patay sa asawa, naghikogSunStar Publishing Inc.
Read more »
Kasabwat umano ng gunman sa pagpatay kay Percy Lapid, patay nang silbihan ng arrest warrantNauwi sa trahedya ang pagsilbi ng arrest warrant nitong madaling araw sa sinasabing kasabwat ng gunman sa pagpatay kay Percy Lapid.
Read more »