Sanhi ng pagpanaw ng babaeng na-stranded sa Pasay, palaisipan para sa pamilya

Philippines News News

Sanhi ng pagpanaw ng babaeng na-stranded sa Pasay, palaisipan para sa pamilya
Philippines Latest News,Philippines Headlines
  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 49 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 23%
  • Publisher: 83%

“Bilang ina, masakit sa ina ang ganyan sa anak. Kaya 'pag nakikita ko ’yong mga anak niya, ’yan na lang ang lumalakas ang loob ko para malabanan ko ang lahat nang ito.” COVID19Quarantine COVID19 WalangBiyahe

Balot pa rin ng lungkot ang 56 anyos na ina ng babaeng namatay matapos madiskubreng walang malay sa footbridge sa Pasay City habang naghihintay nang limang araw para sa bus na pauwi sana ng Bicol.

“Bilang ina masakit sa ina ang ganyan sa anak. Kaya pag nakikita ko ’yung mga anak niya, ’yan na lang ang lumalakas ang loob ko para malabanan ko ang lahat nang ito,” pagbabahagi ni Marlene Silvertino, ina ng pumanaw na si Michelle. Batay sa ulat ng Pasay City Police, madaling araw ng Hunyo 5 nang makita si Silvertino na hirap huminga at may lagnat. Pumanaw ito kalaunan sa ospital.

Ayon sa kapatid ni Michelle na si Celia, wala naman itong nabanggit sa kanila kung may sakit siyang naramdaman. “Minsan po bihira na lang siya mag-text tapos kapag po tini-text namin, at saka lang siya magre-reply. Tapos ’pag ilang araw na naman po, di na naman po magte-text,” ani Celia.Maayos pa naman daw ang kalusugan nito noong Enero, bago namasukang kasambahay sa Antipolo.“Nag-contact naman sa akin ’yung amo niya para isabi ’yung kanyang side. ’Yung iniisip nila na minaltrato at pinalayas, hindi naman po ganu’n,” kuwento ng kaibigan ni Michelle na si Natanael Aviso.

We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

ABSCBNNews /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

Pasay City gov’t assures Silvertino family they will tend to Michelle’s gravePasay City gov’t assures Silvertino family they will tend to Michelle’s graveThe Pasay City government assured the family of the late Michelle Silvertino that they will tend to the latter’s grave until they decide to have the remains transferred to their province.
Read more »

Presyo ng baboy posibleng sumipa sa P300/kilo dahil sa epekto ng ASF: grupoPresyo ng baboy posibleng sumipa sa P300/kilo dahil sa epekto ng ASF: grupo
Read more »



Render Time: 2025-03-12 20:38:04