SULOP, DAVAO DEL SUR - Huli ang apat na lalaki na nagsabong sa Barangay Litos, sa bayan na ito, Biyernes Santo sa kabila ng ipinatutupad na quarantine dahil sa COVID-19.
Nakatanggap ng tawag ang Sulop PNP bandang alas-2 ng hapon mula sa isang concerned citizen hinggil sa ilegal na sabong.Nauwi ang insidente sa habulan. Naabutan sa tubohan ang apat na lalaki. Tantiya ng Sulop PNP, aabot sa higit 50 katao ang nasa nasabing sabungan. "Nasa gitna ng tubohan ang lokasyon at maraming nakatakas nang nagkahabulan na. Napakalaking tulong ang pagbigay ng impormasyon mula sa mga residente," pahayag ni Police Capt. Harold Untalan, hepe ng Sulop PNP.
Mahaharap ang apat sa kasong paglabag sa cockfighting law at Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act. Nauna nang isinailalim ang buong Davao Region sa enhanced community quarantine kung saan bawal ang mga mass gathering gaya ng pagsasabong.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
In Davao, bride sells wedding dress to purchase thousands of frontliner masks
Read more »
Mandatory contact tracing for all persons entering Davao CityTHE Davao City Government will now be strict in its contact tracing to individuals who will be entering the city, whether by land, air, or sea, after...
Read more »
[OPINYON] Tuloy pa rin ang Mahal na Araw'Tuloy ang Mahal na Araw kahit walang senakulo, kahit pa maraming naghuhugas-kamay para maging totoong malinis o kaya’y maging malinis na gaya ni Pilato.' HolyWeek2020 Basahin ang ThoughtLeaders piece ni Dr. Joselito D. Delos Reyes:
Read more »
‘Tagsa ka sako na lang inay SAP ug lig-on nga food security’Daku ko’g pagsalig nga malibkas na gyud ang atong gipatuman nga enhanced community quarantine (ECQ) o lockdown sa tibuuk parte sa lalawigan sa Sugbo karong hinapos nga bahin ning buwana
Read more »
Barangay sa Bukidnon isinailalim sa ‘istriktong’ enhanced community quarantine
Read more »