Patay ang isang rider at ang kaniyang angkas nang masalpok ng van ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang intersection sa Daraga, Albay. Ang pinangyarihan ng aksidente, accident-prone area, ayon sa pulisya.
Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia, sinabing nangyari ang insidente noong hatinggabi ng April 22 sa isang intersection sa Barangay Mayon.
Sa kuha ng CCTV camera, makikita na patawid sa kabilang bahagi ng kalsada ang mga biktima nang salpukin sila ng van.Ayon sa pulisya, sinampahan ng reklamong reckless imprudence resulting to multiple homicide ang driver ng van na hindi na nagbigay ng pahayag. Sinabi ni Police Lieutenant Ma. Isabel Nopia, PIO ng Daraga MPS, tukoy na isang accident-prone area ang pinangyarihan ng aksidente.
"Nag-suggest din po kami na maglagay ng mga rumble strips sa mga barangay na may intersection na ganun. Kapag malapit na sa intersection, doon ilalagay ang rumble strips para ma-alert yung driver kunyare inaantok, na intersection na iyon," pahayag ni Nopia. --FRJ, GMA Integrated News
Btbpromdi Accident Motorcycle Accident
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Lalaking rider, patay nang barilin ng pulis na tinangka siyang pagnakawan sa ParañaqueNasawi ang isang lalaking rider matapos siyang pagbabarilin ng pulis na pinagtangkaan umano siyang nakawan sa Parañaque City. Ang suspek, arestado.
Read more »
Binatilyong rider, patay nang sumalpok sa SUV sa GenSanNasawi ang isang 17-anyos na binatilyong rider matapos siyang sumalpok sa isang SUV sa General Santos City. Ang biktima, inaalam kung kasali sa inireklamong drag race sa lugar.
Read more »
Two communist ‘terrorists’ captured in firefight in Camalig, AlbayDefining the News
Read more »
37-year-old woman in Albay becomes TESDA-certified wheel loader operatorDefining the News
Read more »
2 gipamusil sa Cebu City: DJ patay, vendor angolSunStar Publishing Inc.
Read more »
Lola patay sa sunog sa ArgaoSunStar Publishing Inc.
Read more »