Nasawi ang isang lalaking rider matapos siyang pagbabarilin ng pulis na pinagtangkaan umano siyang nakawan sa Parañaque City. Ang suspek, arestado.
Nasawi ang isang lalaking rider matapos siyang pagbabarilin ng pulis na pinagtangkaan umano siyang nakawan sa Parañaque City. Ang suspek, arestado.
Sa ulat ni Mariz Umali sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing nadatnan ng pulisya ang 27-anyos na biktima na nakabulagta na sa bangketa ng C5 Extension sa Barangay San Dionisio.Maya-maya pa, nakarinig ng putok ang saksi at nakita niyang bumagsak na ang biktima. Sinabi ng Parañaque Police na tinangkang tangayin ng suspek ang motorsiklo ng biktima, ngunit hindi niya ito napaandar kaya tumakbo na lamang siya.Ayon pa sa Parañaque Police, aktibong miyembro ng Mobile Patrol Security Unit ng PNP-Aviation Unit Security Group ang suspek.Nakikitang motibo ng Parañaque Police ang pagnanakaw.
Hindi nagbigay ng panayam ang mga kaanak ng biktima, ngunit lumalabas na naroon ang biktima sa lugar dahil nasiraan siya ng motorsiklo.“Bigla niya akong binato out of nowhere. Akala ko hindi niya sinasadya. Tapos maya-maya bigla niya akong minura. Kaya ko nagawa ‘yun sa kaniya, ‘yung binaril siya,” sabi ng suspek.
“Humihingi ako ng tawad sa lahat ng kaanak, sa mga magulang tsaka sa mga mahal niya sa buhay,” dagdag niya.Tinitingnan nila kung sangkot siya sa iba pang insidente ng agaw-motor, habang nagpapatuloy ang operasyon ng pulisya para madakip ang posibleng kasabwat niya. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Lalaking kumukuha ng ayuda, itinumba sa Mati CityPatay ang isang lalaki matapos siyang barilin sa ulo habang kumukuha ng ayuda sa Mati City, Davao Oriental.
Read more »
MMDA continues cleanup drive in San Isidro Village, Paranaque CityDefining the News
Read more »
Water Tank Explosion Injures Ten in Parañaque CityTen people were injured after a water tank exploded in Parañaque City on Saturday night. Portions of a building were damaged and debris fell on the street, hitting several vehicles. A power line was also affected. The cause of the explosion is still being determined.
Read more »
17, nasawi sa banggaan ng passenger van at dump truck sa CotabatoUmabot na sa 17 tao ang nasawi sa nangyaring banggaan ng isang pampasaherong van at isang dump truck sa Antipas, Cotabato nitong Lunes. Ang mga biktima, nasunog pa.
Read more »
Mag-ina, 1 pa nilang kaanak, nasawi sa sunog sa PangasinanTatlong magkakaanak ang nasawi--kabilang ang mag-ina-- nang makulong sila sa nasusunog nilang bahay sa Binmaley, Pangasinan.
Read more »
Binatilyong nasawi sa aksidente sa motorsiklo, napanaginipan ang mangyayari sa kaniya?'Malapit na ko kunin ni Lord.' Ito ang nakasaad sa text message ng isang 16-anyos na lalaki bago siya masawi makaraang dumausdos at bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang poste sa Mangaldan, Pangasinan.
Read more »