Mga taga-isla sa Occidental Mindoro iginiit ang kahalagahan ng ABS-CBN ABSCBNfranchise
Watch more in iWant or TFC.tv SAN JOSE, Occidental Mindoro — Nababahala ang mga residente ng isang isla dito kung saan sila kukuha ng impormasyon lalo na kapag may bagyo dahil ang tanging pinagkukuhanan nila ng balita na ABS-CBN ay naka-shutdown at hindi na rin nila magamit ang SKYdirect.
"Parang naiiyak po kami, galit na galit po mga anak ko kasi hindi na nila mapanood ang mga teleserye," ani Mary Grace Ermino. "Pagkatapos ng trabaho sa maghapon siyempre pahinga nagre-relax, pinapanood namin 'Love Thy Woman', tapos TV Patrol... kasi nakaka-monitor kami kung ano nangyayari sa Pilipinas," ani C-Lay Villasino. Halos lahat ng mga residente ng 11 barangay sa isla ng Ilin ay SKYdirect ang gamit para makapanood ng telebisyon. Para sa mga taga-Ilin, nawalan sila ng panguhaning pagkukuhanan ng balita lalo na kapag may kalamidad. Pagtatanim ng seaweeds ang isa sa mga kabuhayan ng mga taga-isla at mahalagang alam nila ang lagay ng panahon, at sa ABS-CBN nila ito nakukuha. Batid din ng lokal na pamahalaan ng San Jose ang kahalagahan ng ABS-CBN sa kanilang bayan kaya isang resolusyon ang ipinasa ng sangguniang bayan na sumusuporta sa franchise renewal ng network. Ayon kay Vice Mayor Rod Agas, ang ABS-CBN ang nagbukas ng pintuan para makasagap ng balita ang mga nasa malalayong lugar na gaya ng kanilang bayan. Pangako ng mga taga-isla ng Ilin, anuman ang mangyari, hihintayin nila ang muling pagbabalik ng ABS-CBN kaya dasal nila na sana ay maipagkaloob na ang prangkisa.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Pila ng mga bus mahaba sa unang araw ng tigil-operasyon ng MRT
Read more »
Bike courier na agaw atensyon sa Iloilo City, may payo sa mga motorista
Read more »
'Fallen hero': 1 sa 4 sundalong napatay ng mga pulis sa Jolo inilibing na sa Kalinga
Read more »
Unyon ng mga manggagawa sa ABS-CBN, umapela kay Duterte para sa prangkisa ng network
Read more »




