Lalaki, nahati ang katawan matapos mabagsakan ng malaking bato habang nasa backhoe

Philippines News News

Lalaki, nahati ang katawan matapos mabagsakan ng malaking bato habang nasa backhoe
Philippines Latest News,Philippines Headlines
  • 📰 gmanews
  • ⏱ Reading Time:
  • 37 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 18%
  • Publisher: 68%

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang lalaking nanananghalian na nahati ang katawan matapos mabagsakan ng malaking tipak ng bato habang nasa loob ng backhoe sa Tuy, Batangas.

Sa ulat ni Denise Abante sa GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog nitong Biyernes, sinabing backhoe operator ang 34-anyos na biktima, nang mabagsakan siya ng malaking bato sa isang quarry site.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na nanananghalian ang biktima sa loob ng backhoe nitong Huwebes ng tanghali nang maganap ang hindi inaasahang pangyayari. "Lumalabas na itong biktima is nanananghalian doon sa loob ng backhoe. It so happen na yung isang malaking tipak ng bato na galing doon sa itaas na bahagi ng quarry site, gumulong directly doon sa kinalalagyan ng biktima," ayon kay Police Major Roy Cuevas, OIC,Tuy Police StationHinihinala ng awtoridad na maaaring lumambot ang lupa sa gilid ng bundok at mahina na ang kapit ng bato kaya ito bumagsak.

Nakipag-ugnayan na ang may-ari ng quarry site sa mga kaanak ng biktima na magmumula pa sa Zamboanga del Norte.-- FRJ, GMA Integrated News

We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

gmanews /  🏆 11. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

Viva Hot Babes, nagkagulo-gulo nga ba noon dahil lapitin ng mga lalaki?Viva Hot Babes, nagkagulo-gulo nga ba noon dahil lapitin ng mga lalaki?Inilaglag ng mga dating miyembro ng Viva Hot Babes na sina Andrea Del Rosario at Katya Santos ang isa’t isa kung sino sa kanila noon ang mas lapitin ng mga lalaki.
Read more »

Lalaki gipusil sa iyang gikasukmagay, patayLalaki gipusil sa iyang gikasukmagay, pataySunStar Publishing Inc.
Read more »

Nawawalang batang babae, nakitang karga ng isang lalaki sa PampangaNawawalang batang babae, nakitang karga ng isang lalaki sa PampangaPinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang lalaki na nakitang kumarga sa limang-taong-gulang na babae na ilang araw nang nawawala sa Angeles City, Pampanga.
Read more »

10-anyos na lalaki, pinatay sa taga ng sarili niyang ama sa Davao City10-anyos na lalaki, pinatay sa taga ng sarili niyang ama sa Davao CityTinaga sa leeg habang natutulog sa kanilang bahay ang isang batang lalaki sa Davao City. Ang suspek sa krimen, ang sarili niyang ama.
Read more »

Pagdukot sa isang lalaki sa England, nahuli-camPagdukot sa isang lalaki sa England, nahuli-camHindi agad pinansin ng isang residente ang mga narinig niyang ingay sa kaniyang CCTV camera sa pag-aakalang mga kapitbahay na nag-aaway lamang ang mga ito sa West Yorkshire, England. Ngunit nang balikan niya ang footage, nahuli-cam pala ang isang insidente ng kidnapping.
Read more »

Nawawalang batang babae sa Pampanga, inaalam kung tunay na dinala ng lalaki sa Quezon CityNawawalang batang babae sa Pampanga, inaalam kung tunay na dinala ng lalaki sa Quezon CityNagtungo sa Novalichez, Quezon City mula sa Angeles City, Pampanga ang mga kaanak ng limang-taong-gulang na babae na tatlong araw nang nawawala matapos kunin ng isang lalaki.
Read more »



Render Time: 2025-02-21 07:53:33