Tinaga sa leeg habang natutulog sa kanilang bahay ang isang batang lalaki sa Davao City. Ang suspek sa krimen, ang sarili niyang ama.
Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Miyerkules, sinabing nangyari ang trahediya noong Linggo ng gabi sa Barangay Marilog Proper sa nabanggit na lungsod.
Sa imbestigasyon ng pulisya, natutulog ang 10-anyos na biktima kasama ang kaniyang 16-anyos na ate, nang tagain siya sa leeg ng kaniyang ama.Nang dumating ang mga pulis, nakita ang suspek na patay na rin ilang metro mula sa kanilang bahay. Nag-iwan umano ng sulat ng suspek na humihingi ng tawad sa kaniyang asawa na nagtatrabaho sa ibang bansa.Nagpaalala ang Women and Children's Protection Desk ng kapulisan na ireport sa kanila o sa barangay kung may mapapansin na pagbabago sa kilos o pag-uugali ng mga kasama nila sa bahay.
Habang ang Philippine Mental Health Association, nagbibigay naman ng mental health at psychosocial support sa mga taong nangangailangan ng makakausap Maaaring makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng kanilang social media page.-- FRJ, GMA Integrated News
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Babaeng may kapansanan ang mga braso, iginuguhit ang kaniyang mga obra gamit ang bibigHindi man niya maigalaw ang kaniyang mga braso at mga paa, pinatunayan ng isang babaeng estudyante na hindi hadlang ang kaniyang kapansanan para makalikha ng magagandang obra na kaniyang iginuguhit gamit ang kaniyang bibig.
Read more »
KWF, inalmahan ang panukalang ipagbawal ang Filipino dubbing ng English movies at programsUmalma ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa panukalang ipagbawal ang Filipino dubbing ng mga pelikula at programang gumagamit ng Ingles na ipinalalabas sa bansa.
Read more »
Kim Chiu, kamusta na ang puso matapos ang breakup nila ni Xian Lim?Tatlong buwan makaraang kumpirmahin ang hiwalayan nila ni Xian Lim, sinagot ni Kim Chiu ang tanong sa kaniya na, 'kamusta ang puso.'
Read more »
Strong quake offshore Davao Oriental sends mild tremor inlandDAVAO CITY – A strong undersea earthquake late afternoon Friday sent mild shaking in parts of Davao Region although a few places near the Davao Gulf felt it at strong intensity 4.
Read more »
Amazon’s expansion fuels Davao City’s economic growthTHE Davao City Investment Promotion Center (DCIPC) has confirmed that Amazon, the global e-commerce titan, is expecting to generate 500 employees in Davao City.
Read more »
RTC exonerates suspect in 2019 slay of Davao City broadcasterDefining the News
Read more »