Arestado sa drug buy-bust operation ng Sariaya Municipal Police Station nitong Sabado ang dalawang binata na residente ng Candelaria, Quezon.
SARIAYA, Quezon -
Nakuha sa mga suspek ang higit isang kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang posibleng umabot sa P20 milyon ang halaga. Ayon sa hepe ng Sariaya Municipal Police Station na si Police Lieutenant Colonel Carlo Caceres, isang pulis ang nagpanggap na buyer ng droga sa mga suspek.Napag-alaman ng mga pulis na ang isang suspek ay delivery rider ng isang kilalang online shop.Posibleng inakala raw ng mga suspek na abala ang mga pulis sa paghahanda sa bagyon at hindi sila matutunugan.
Nasa kustodiya ng Sariaya Municipal Police Station ang dalawang suspek. Sinubukan ng GMA Integrated News na makuha ang kanilang pahayag subalit tumanggi ang mga ito. Nahaharap sila sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —KG, GMA Integrated News
Btbpromdi Illegal Drugs Buy Bust Operation Sariaya Quezon Shabu
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Security guard arestado sa pagnanakaw ng motorsiklo sa QCArestado ang isang security guard matapos nitong tangkaing nakawin ang isang motorsiklo sa Quezon City.
Read more »
Tatlo, arestado sa Cainta, Rizal sa buy-bust operationArestado ng mga awtoridad ang tatlong suspek matapos nilang ikasa ang buy-bust operation sa Cainta, Rizal.
Read more »
Lalaki arestado 2 taon matapos mapatay umano ang tambay sa bahay nilaMakalipas ang mahigit dalawang taon, arestado ang 26-anyos na lalaking nakapatay ng isang tambay sa kanilang bahay noong April 2022.
Read more »
Umano'y notorious na tirador ng motor sa Maynila, arestadoArestado ang notorious na tirador ng motor sa Maynila.
Read more »
Suspek sa pananaksak at pagpatay sa kainuman mahigit 2 dekada na ang nakalipas, arestadoArestado sa Navotas City ang isang lalaking suspek sa pananaksak at pagpatay sa nakaaway umano sa isang inuman mahigit dalawang dekada na ang nakaraan.
Read more »
Suspek sa pangmomolestiya ng 2 menor de edad na anak ng live-in partner, arestadoLalaking suspek sa pang momolestiya ng dalawang menor de edad na anak ng kanyang live-in partner, arestado sa Morong, Rizal.
Read more »