Arestado ang notorious na tirador ng motor sa Maynila.
Aakalaing magpaparada lang ang isang lalaking sa tabi ng isang ambulansya sa bahagi ng Old Antipolo Street sa Maynila na nakuhaan sa CCTV.Makikita pa sa video na muli niyang iniwan ang motor at sumilip sa kanto.
“Nalaman nitong complainant paggising niya wala na yung kanyang motorsiklo.. Ginawa niya yung pagnanakaw ng motor ng madaling araw tapos pagdating ng hapon, ay nahuli agad siyang ng mga operatiba," sabi ni MPD spokesperson Police Major Philipp Ines. Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na ilang beses nang may record sa barangay ang suspek dahil sa kaparehong modus kung saan itinatago niya muna ang nanakawing motor hanggang sa lumamig ang sitwasyos.Pero, kapag wala umanong naghanap dito ay tinutuluyan niya intong tangayin, sabi ng pulisya.
Sa ngayon ay hawak na ng manila police district ang suspek na nahaharap sa reklamong may kinalaman sa new anti carnapping act of 2016. Sa panayam ng GMA Integrated News, iginiit ng suspek na sa kamag anak niya ang motor at ninakaw lang din ito sa kanila.Napagalaman naman bukod sa carnapping, nakulong na rin dati ang suspek dahil sa kasong homicide.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Lalaki na umanoy pumatay sa kanyang kumpare sa Maynila, arestadoSa bisa ng warrant of arrest, inaresto sa Pandi, Bulacan and isang lalaki na pinaghahanap ng mga pulis sa Maynila dahil sa kasong murder.
Read more »
2 lalaki na umano'y bumili ng motor gamit ang pekeng pera sa Pasay, arestadoSa kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki na bumili umano ng motorsiklo gamit ang pekeng pera sa Pasay City.
Read more »
Lalaki arestado 2 taon matapos mapatay umano ang tambay sa bahay nilaMakalipas ang mahigit dalawang taon, arestado ang 26-anyos na lalaking nakapatay ng isang tambay sa kanilang bahay noong April 2022.
Read more »
Security guard arestado sa pagnanakaw ng motorsiklo sa QCArestado ang isang security guard matapos nitong tangkaing nakawin ang isang motorsiklo sa Quezon City.
Read more »
Suspek sa pananaksak at pagpatay sa kainuman mahigit 2 dekada na ang nakalipas, arestadoArestado sa Navotas City ang isang lalaking suspek sa pananaksak at pagpatay sa nakaaway umano sa isang inuman mahigit dalawang dekada na ang nakaraan.
Read more »
Dating aktor na si John Wayne Sace, dinakip dahil umano pagbaril at pagpatay sa kaniyang kaibiganArestado ang dating aktor na si John Wayne Sace dahil sa pagbaril at pagpatay umano sa kaniyang kaibigan sa Pasig City.
Read more »