Watch more in iWant or TFC.tv MAYNILA -- Hindi napigilan ni Billy Crawford ang lumuha dahil sa kanyang ama na si Jack Crawford na nakabase sa Amerika.
Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, naunang ipinahayag ni Billy na pangarap ng kanyang ama na makita ang magiging apo nito sa kanya.
"Growing up kasi close family talaga kami. To see my dad, ang pangarap niya kapag kausap ko sila ang sinasabi niya, 'Son, I'm just holding on para makilala ko lang 'yung anak niyo.' Matanda na ang daddy ko and maraming complications. Pero marami akong matutunan at marami akong maituturo sa aming anak dahil sa ama ko. And I owe a lot to my dad," ani Billy.
"I owe it all to my parents. Ako ang goal ko is to be the better version of my father for myself. And I want to be the better version of myself para sa aking newborn," dagdag ni Billy. Hindi na napigilan pa ni Billy ang maging emosyonal nang hingan siya ng mensahe para sa kanyang ama ngayong malapit na Father's Day.
"Thank you so much. I love you and I miss you so much. I wish that when my son is born that you'd be able to hold him as well. I'm always here. I love you so much. And for whatever I've done in the past that has upset you or to turn you away, I apologize. I love you so much and I hope to see you soon," ani Billy.Abril 2018 nang ikasal sina Billy at Coleen. Nito lamang Mayo ay inanunsiyo ni Coleen na buntis na siya sa unang anak nila ni Billy.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Nasa 2,000 pamilyang apektado ng gulo sa Maguindanao, hindi pa rin makauwi
Read more »
Pagtulong sa gitna ng pandemya, pokus ng mga Dakilang Bayani awardees sa Dubai
Read more »