TALITAY, Maguindanao - Halos wala pa ring tao sa ilang mga barangay sa bayang ito magmula nang magkasagupa ang dalawang armadong grupo sa lugar bago pa ang buwan ng Hunyo.
Bahagya nang humupa ang tensyon sa lugar pero hindi pa rin bumabalik sa kanilang mga bahay ang mga residente dahil sa takot na muling sumiklab ang gulo.
Nananawagan ng tulong ang mga residente sa lugar dahil marami umano sa mga bahay ang nasira dahil sa bakbakan.Una nang sinabi ng militar na ang Ameril group at Sabal clan ang nagkasagupa sa bayan. Ilan din umano sa mga ito ay na ang ilan ay miyembro ng Moro Islamic Liberation Front.“Wala akong alam na puno't dulo nito kundi politika. Kasi pagkatapos na patayin ang kuya ko pinatay naman ang administrator niya at SB secretary puro officials ang pinapatay.
Samantala, may naka-deploy na buffer force ng MILF sa lugar para maiwasan ang muling pagsiklab ng gulo sa bayan.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
ALAMIN: Requirements sa pagpaparehistro ng online business sa BIR
Read more »