4,600 kilo ng isda pinamigay sa isang bayan sa Maguindanao COVID19
MANGUDADATU, Maguindanao- Nasa 4,600 kilo ng isda ang ipinamigay sa mga residente ng Mangudadatu bilang ayuda sa mga residenteng apektado ng krisis dulot ng COVID-19.
Kabilang sa mga isdang pinamigay ay ang tilapia, haluan, at taruk. Araw-araw ang pamamahagi ng isda simula pa noong Abril 2. Ayon kay Mangudadatu Mayor Elizabeth Tayuan, binili nila ang mga isda sa mga mangingisda sa kanilang bayan na apektado rin ang kabuhayan dahil sa community quarantine. “Isa sa mga pangunahing hanapbuhay ng aming bayan ay ang pangingisda at isa rin po ito sa mga produktong aming pinagmamalaki,” ani Tayuan.Wala pang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bayan ng Mangungudadatu.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Miyembro ng Philippine Marines, patay sa aksidente sa Maguindanao
Read more »
Mga Pinoy sa Italya, dugo ang alay pansagip-buhay sa gitna ng banta ng COVID-19
Read more »
Kasintahang 'nawawala', nakausap na ng lalaking naghahanap sa kaniya sa gitna ng lockdown
Read more »
Dating bise alkalde ng Tipo-Tipo, patay sa pamamaril sa Basilan
Read more »