MAYNILA - Matapos manawagan sa kung sino man ang nakakaalam sa kinaroroonan ng kaniyang kinakasama, nagkausap na ang magkasintahang sina Edwin Petalver at Rosalie Odon.
Nanawagan sa DZMM nitong Miyerkoles ng umaga si Petalver dahil ilang araw na umanong hindi umuuwi si Odon.
Nagkaroon umano ng sintomas si Odon tulad ng sa mga nagkasakit ng coronavirus disease 2019 kaya nag-aalala si Petalver. Sa kanilang huling pag-uusap, sinabi umano ni Odon na nilalagnat na siya at wala na rin ganang kumain. Halos lahat din ng kaniyang mga kasamahan ay may sakit na.Aniya, maayos na ang kalagayan ni Odon na pansamantalang namamalagi sa sleeping area sa kanilang opisina.
Sinabi rin umano ni Odon na uuwi agad ito basta't masiguro niyang maayos na maayos na ang kaniyang kalagayan. - may ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Mga Pinoy sa Italya, dugo ang alay pansagip-buhay sa gitna ng banta ng COVID-19
Read more »
Libreng mental health counseling, alok sa gitna ng COVID-19 pandemic
Read more »