Naaresto na ang mga suspek sa panghoholdap sa isang convenience store sa Pasig at isang gasolinahan sa Rizal. Ang mga nadakip, isang 18-anyos at dalawang menor de edad.
Sa ulat ni Emil Sumangil sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, nakuhanan sa CCTV camera ang pagsalakay ng tatlo sa isang convenience store sa Barangay Maybunga, Pasig.Kinuha rin nila ang issued firearm sa guwardiya sa establisimyento, ayon kay Police Colonel Celerino Sacro, hepe ng Pasig Police.
Sa bayan naman ng Taytay, Rizal, nahuli-cam ang dalawa sa mga suspek na nasa isang gasolinahan sakay ng isang motorsiklo. Pero maya-maya lang, pinasok na ng isang suspek ang cashier’s booth, at tinutukan naman ng baril ng isa pang suspek ang gasoline boy.Sa imbestigasyon ng pulisya, natukoy na ang mga suspek ang nasa likod ng naturang holdapan sa Pasig at Taytay noong nakaraang linggo.
Sa isinagawang operasyon ng Pasig Police Follow-up Unit at SWAT, nasakote sa isang bahay sa Barangay Pinagbuhatan ang 18-anyos na suspek. Dinampot naman ng mga pulis sa Taytay ang dalawang menor de edad na suspek na ireklamo rin ng kanilang kapitbahay dahil sa pagpapaputok ng baril.Ayon sa pulisya, may tumatayong lider sa tatlong suspek na si alyas “Akmar.” Organisado umano ang grupo na umaatake sa mga karatig na bayan ng Cainta, Antipolo, at Mandaluyong. -- J.Santos/VA Ferreras/FRJ, GMA Integrated News
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
3 patay, 17 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Fairview, QCTatlo ang patay habang 17 ang sugatan matapos magkarambola ang mga sasakyan sa Fairview, Quezon City.
Read more »
18-year-old, 2 minors nabbed for armed robberies in Pasig, RizalAn 18-year-old and two minors were arrested in connection with a series of armed robberies in Pasig and Rizal.
Read more »
[EDITORIAL] Kapag bumabagsak ang ratings, balikan ang basicsPanahon nang mag-soul searching. Sa bandang huli, isa ang saligang katotohanan: ang pamumuno ay pagsisilbi.
Read more »
Lalaki, kinikilan ang kaniyang kaibigan na may private video kasama ang nobyaPagdating sa pera, tila walang kaibi-kaibigan sa isang lalaki na pinagbantaan ang kaniyang kaibigan na ipakakalat ang pribadong video nito kasama ang nobya kapag hindi nagbigay ng pera.
Read more »
[EDITORIAL] Ang low-intensity warfare ni Marcos kung saan attack dog na ang First LadyIndikasyon ba ito ng desperasyon na nadarama ng kampong Marcos?
Read more »
Babae, mamaga ang mukha at nasunog ang balat dahil sa tina na pangkulay ng buhok?Dahil umano sa tina na pangkulay ng buhok, isang ginang ang namaga ang mukha, tila nasunog at nagkasugat-sugat pa sa Surigao del Sur. Bakit kaya ito nangyari? Alamin.
Read more »