Water allocation for NCR might be reduced if water level in Angat Dam drops
MAYNILA - Posibleng mabawasan ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila kapag nagpatuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat dam at iba pang pinagkukuhanan ng tubig sa Kamaynilaan, ayon sa isang opisyal.
Nitong Setyembre 1, binawasan na sa 46 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila mula sa dating 48 cubic meters per second. Ayon kay National Water Resources Board director Sevillo David, kapag nagtuloy-tuloy ang pagbaba ng water level sa Angat posibleng bumaba pa ang alokasyon ng tubig sa Kamaynilaan.
“Sa ngayon mini-maintain natin yung 46 pero kung patuloy na bababa ang lebel ng Angat dam mula ngayon hanggang sa susunod pang mga linggo baka kailangan mag-adjust tayo,” ani David. Sa tala ng PAGASA-Hydrometeorology Division, bumaba sa 177.51 meters ang water level ng Angat dam alas-6 ng umaga, kumpara sa naitalang 178.01 meters noong Biyernes. Pero sa ngayon, sapat pa ang suplay ng tubig sa Kamaynilaan, ayon sa NWRB. Paalala rin nila na magtipid sa tubig.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Regulator banks on La Niña to raise Angat Dam water level
Read more »
Coleen Garcia chooses water birth: Pros and cons of all-natural labor
Read more »
IN PHOTOS: Max Collins, Coleen Garcia, and other celebrity moms who have had water births
Read more »
Direk Lauren, sinagot kung lilipat na ang Kapamilya stars sa ibang network
Read more »
Maine Mendoza proves that 'law of attraction' is true.mainedcm: 'Kung para sayo talaga ang isang bagay, anuman ang mangyari mapapasayo 'to.' 💛💛💛
Read more »