Watch more in iWant or TFC.tv MAYNILA - Nakatakdang magdeklara ng state of calamity ang bayan ng Cataingan sa Masbate matapos na mapinsala ng malakas na lindol nitong Martes.
Ayon kay Cataingan Mayor Felipe Cabataña, halos wala na silang pondong magagamit dahil naituon na ito sa kampanya laban sa coronavirus disease 2019 .
Ayon kay Cabataña, hindi agad nakapag-deklara ng state of calamity dahil ipinasara muna niya ang munisipyo at pinasuspende ang trabaho para masuri at matiyak na ligtas ang kanilang gusali.“Iyon ang irony. Magde-declare ng state of calamity wala nang magagamit , parang useless din ang declaration,” sabi ng alkalde.
“May calamity fund ang President, puwedeng ibigay sa amin kung halimbawang tugunan nila ang pakiusap naming tutulungan naman kami,” sabi niya. Nagtamo din ng pinsala ang kanilang pier na rekomendasyon ng Philippine Ports Authority na huwag munang ipagamit.Ikinatuwa naman niya na dumating na ang tulong mula sa national government tulad ng mga tent mula sa Department of Social Welfare and Development.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
119,000 SAP beneficiaries di pa na-encode ng LGUs kaya wala pang ayuda
Read more »
3 barangay sa bayan ng Murcia, inilagay sa extreme ECQ
Read more »
Sylvia tuwang-tuwa sa regalong K-drama doll ni Ria: Simple lang, pero napakasaya ko!TUWANG-TUWA ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa surprise gift ng kanyang anak na si Ria Atayde. Kitang-kita ang kaligayahan ng aktres nang matanggap ang regalo ng anak at makita kung ano ang nasa loob ng gift box. Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Sylvia ang ilang video clips kung saan makikita ang pagbubukas […]
Read more »