Inararo ng isang van ang mga concrete at plastic barrier sa EDSA Southbound bago umakyat ng Quezon Avenue flyover sa Quezon City umaga ng Miyerkoles.
L-300 van, bumangga sa mga barrier sa EDSA southbound lane bago umakyat ng Quezon Avenue flyover sa Quezon City | via @RayaCapulong pic.twitter.com/c3U9VSfpoX
— DZMM TeleRadyo September 1, 2020 Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority EDSA traffic chief Bong Nebrija, iniiwasan ng driver na si Roy Gallas ang isang nakamotorsiklo, dahilan para mawalan ng kontrol at tuluyang sumalpok sa separator pasado alas-5 ng umaga. Sa tindi ng pagkakabangga, nabasag ang windshield at nayupi ang harapang bahagi ng sasakyan habang nasira rin ang mga concrete at plastic barrier pati na ang see-thru fence.
Wala namang nasugatan sa aksidente pero nagdulot ito ng bahagyang pagbagal ng daloy ng trapiko sa lugar.-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
QC monitors 1,915 minors for possible COVID-19 infection - Manila BulletinAt least 1,915 Quezon City residents aged 18 and below are being monitored by the local government for possible coronavirus disease (COVID-19) infection after getting in close contact with positive patients.
Read more »
Priest warns of 'virus' of vigilante killings as fear grips QC slum
Read more »
Driver na 'wala sa sarili', bumangga sa 7 sasakyan; 2 sugatan
Read more »
Mga nagamit na rapid test kit, nagkalat sa kalsada sa Sampaloc, Maynila
Read more »
'Nag arkila lang ng cp': Online teacher na nahabag sa mga estudyante, umapela para sa gadgets
Read more »