Watch more in iWant or TFC.tv Nakuhanan ng CCTV noong Huwebes ang panghoholdap ng 2 armadong lalaki sa isang computer shop sa Guiguinto, Bulacan.
Nilapitan ng lalaking naka-face mask ang bantay na si Reymart Ogaris at kinuha ang pera sa drawer.
Dahil naka-headphones ang nasa 20 kostumer, na karamihan ay menor de edad, hindi raw nila narinig ang pagdating ng mga holdaper. Ayon sa kostumer na si Carlo Henlo, hindi niya akalain itututok sa kanila ang baril na ginagamit lang nila sa online games. Binarikada ng mga holdaper ang nagkalat na upuan at sinigawan umano ang mga kostumer na huwag sumunod sa kanila.Sinumbong naman kaagad sa pulis ang insidente pero hindi na nila naabutan ang mga salarin.Patuloy naman ang imbestigasyon ng Guiguinto police sa pangyayari.
Magmula nang mangyari ang holdapan, tiniyak ng may-ari ng computer shop na dodoblehin na niya ang pag-iingat at aagahan ang pagsasara.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Pagsasanay, nauwi sa trahedya: Pulis, nalunod sa gitna ng training sa Taguig
Read more »
ALAMIN: Paano makaiwas sa malas sa 'ghost month'
Read more »
1 patay sa drug raid sa GenSan
Read more »
5 lalaki huli sa droga, pagbi-video karera sa QC
Read more »
70 pamilya inilikas sa Negros Occidental dahil sa matinding pagbaha
Read more »
Sekyu arestado sa panghahalay ng kasambahay sa Marikina subdivision
Read more »