KEEP CALM AND TRAVEL SAFELY. Police reminds motorists to keep their cool while on the road after another road rage incident. Read more:
Nagpaalala ngayong Huwebes ang pulisya sa publiko na iwasan ang pagiging mainitin ang ulo sa kalsada.
Ito'y matapos ang isang insidente kung saan hinataw ng tubo ng isang bus driver ang nakagitgitan umano niyang delivery rider sa Quezon City. "Habaan natin ang ating pasensiya dahil marami tayong na-encounter sa daan, mainit ang ulo natin... consider natin ang safety when traveling sa highway," sabi ni Police Lt. Col. Alexy Sonido, hepe ng Quezon City Police District Station 6 .
Nag-viral sa social media kamakailan ang video ng pagharang ng mga tao sa isang bus sa Commonwealth Avenue matapos umanong hatawin ng driver nito na si Andy Nicolas ang rider na si Omar Patahasa Jr.Ayon kay Sonido, hindi nagbibigayan sa daan ang 2 motorista at ginitgit ni Nicolas si Patahasa Jr. kaya nang komprontahin ng rider ang bus driver, hinampas siya nito ng tubo.
Dahil maraming nakakita sa nangyari, nagtulong-tulong ang mga motorista na harangin ang bus para hindi makatakas si Nicolas.Naaresto ng Batasan police si Nicolas, na kinasuhan ng reckless imprudence resulting in physical injuries, pero nakapagpiyansa na umano.Samantala, arestado rin ng Batasan police ang 29 anyos na si Alfredo Reyes III matapos patayin ang sariling ama dahil paulit-ulit umano siyang pinapagalitan.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
QC cops bust 5 in anti-drug operations; seize P476,000 worth of ‘shabu’MANILA, Philippines — Quezon City police operatives arrested Tuesday five suspected drug peddlers and confiscated from them around 70 grams of crystal meth or “shabu” with an estimated value
Read more »
Lalaki sugatan matapos na bumaliktad sasakyan sa QCMAYNILA - Sugatan ang isang lalaki matapos na bumaliktad ang minamaneho niyang kotse sa Mindanao Avenue sa Quezon City, Huwebes ng madaling araw.
Read more »
Mga trak ng oxygen tanks, dapat bigyang prayoridad sa barkoHiniling ng Oriental Mindoro Provincial Hospital na bigyang prayoridad sa pier at barko ang mga truck ng oxygen tanks na tatawid ng dagat papunta sa kanilang probinsiya.
Read more »
Mga Pilipino sa Macau SAR, pinag-iingat kaugnay ng typhoon signal no. 8Sinuspinde ng Konsulado ng Pilipinas sa Macau SAR ang kanilang operasyon, Miyerkules, October 13, 2021 bunsod na rin ng Typhoon Signal No. 8 na tropical storm Kompasu.
Read more »
#LoveYourEyes: Paano mapapanatiling malusog ang iyong mga mata?Sa pagdiriwang ng World Sight Day ngayong Huwebes, paalala ng isang nutritionist-dietitian na magkaroon ng proper diet para mapanatiling malusog ang paningin.
Read more »