Kahit walang ulo at iba pang parte ng katawan, natukoy pa rin ang pagkakakilanlan ng nakitang putol na bahagi ng katawan ng lalaki sa daluyan ng tubig sa Cavite-Laguna Expressway sa Silang, Cavite.
Sa ulat ni Saleema Refran sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing taga-Quezon City ang biktima na kinilala ng kaniyang mga kaanak dahil sa tattoo na nakita sa dibdib nito.“Namatay si victim sa tatlong saksak sa dibdib. Malinis po yung pagka-cut doon po sa body parts doon sa mga body parts na nawala,” sabi ni Silang Police Chief Police Lieutenant Louie Gonzaga.“Ang recollection ng live in partner, March 3 sila last nagkita.
Nagsasagawa ng backtracking sa mga CCTV footage ang pulis sa ilang lugar para hanapin ang iba pang parte ng katawan ng biktima. Magsasagawa rin ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation at ang Presidential Anti-Organized Crime Commission , dahil dati na ring may nakita putol na bahagi ng katawan sa Carmona, Cavite na isa namang Chinese national nito lang nakaraang buwan.
"Na-contact na natin yung isa sa mga magulang. May coordination na rin tayong ginagawa sa Embassy. May anggulo na nagtrabaho siya doon sa mga POGO hubs dito sa Metro Manila," sabi ni PAOCC Executive Director Gilbert Cruz.-- FRJ, GMA Integrated News
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
CALAX chop-chop victim identifiedAuthorities have identified the man whose decapitated remains were found at the Cavite–Laguna Expressway (CALAX) in Silang, Cavite.
Read more »
Pasig and Cavite Identified by Lamudi as Places Driving Nationwide GrowthDefining the News
Read more »
Nissan Philippines opens first-ever Pop-Up Showroom in CaviteDefining the News
Read more »
3-anyos na babaeng naglalaro, patay matapos magulungan ng kotse sa CaviteNasawi ang isang tatlong taong gulang na batang babae na naglalaro matapos siyang magulungan ng isang kotse sa isang subdivision sa Naic, Cavite.
Read more »
Lider sa drug group sa Sugbo, sikop sa CaviteSunStar Publishing Inc.
Read more »
2 motorsiklo, binangga ng jeep na nawalan umano ng preno sa Cavite; 3, patayTatlong tao na sakay ng dalawang motorsiklo ang nasawi matapos silang salpukin ng isang jeepney na nawalan umano ng preno sa Ternate, Cavite.
Read more »