Proud trans man na si Jesi Corcuera, ipinakita ang kaniyang surgery scar
Ganito inilarawan ng dating “Pinoy Big Brother” housemate at trans man na si Jesi Corcuera ang pinagdaanang operasyon sa kaniyang dibdib.
“Hindi maitagong ngiti. Mga ngiti na walang katumbas na halaga. Maaring hindi niyo maintindihan ang sayang aking nararamdaman. Pero sa likod ng mga hiwa sa ilalim ng aking dibdib 'yan ang simbolo ng aking kalayaan,” saad nito sa caption. “Kalayaan sa mapanghusgang lipunan. Para sa mga tulad kong parte ng makulay na bahaghari 'wag kayong titigil makamit ang inyong kalayaan at kasiyahan,” ani Corcuera. Nagpasalamat ito sa kaniyang pamilya at sa doktor na nagtiwala at sumuporta sa kaniyang nais tahakin.
Kabilang si Corcuera sa pumasok sa Bahay ni Kuya noong 2016 para sa “PBB Lucky Season 7” kung saan binansagan siyang “Transman of the House ng Cavite.”Sa kaniyang pananatili sa “PBB,” naikuwento ni Corcuera ang mga pinagdaanan noon bago tuluyang natanggap ng kaniyang pamilya at mga kaibigan.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
TINGNAN: Pacquiao, dumalo sa birthday ni Annabelle RamaIpinagdiwang ni Annabelle Rama ang kanyang kaarawan kagabi sa Taguig kapiling ang kanyang pamilya at kaibigan.
Read more »
Mga manggagawa dapat prayoridad sa booster shots- TUCPUmaapela ang mga manggagawa na isali ang kanilang sektor sa mga matuturukan ng booster shot.
Read more »