What is the role of law enforcers in the fight vs the pandemic? ramboreports explains in the latest episode of Newsbreak: Beyond the Stories podcast: RapplerPodcasts
sa kamay ng mga awtoridad. Ang mga insidenteng ito, ayon sa human rights groups, ay tila kahalintulad ng mga nangyayari sa kampanya laban sa ilegal na droga ni Presidente Rodrigo Duterte.
Sa episode na ito, pag-uusapan nina police reporter Rambo Talabong at researcher-writer Jodesz Gavilan kung bakit ganito ang kinahinatnan ng pagbibigay ng kapangyarihan sa pulis at militar sa gitna ng coronavirus pandemic, at kung paano ito maaayos. Ayon kay Talabong, walang isang paraan para maayos ang PNP. Ito ay dapat pagtulungan ng mga nasa national at local government units:
I think there isn't, lack of a better term, no grand cure for the PNP na sasabihin na ito ang gawin para maayos sila. Pero may nakikita tayong may mga dapat gawin para matulungan ang pulis at mapabuti ang kanilang gawain. Nakikita natin ito sa aksyon ng national government at local government. Kasi ang pulis, katulad ng sinabi natin kanina, sumusunod lang sa batas at sa mga taong kasama nito. Sinusundan nito ang Pangulo, ang mayor.
Bakit ba malaki ang papel na ginagampanan ng pulis at militar sa paglaban sa coronavirus pandemic? Pakinggan ang podcast.Rappler.com
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
GABAY: Bilang ng pasahero sa pampublikong sasakyan sa ilalim ng GCQMagbabalik-operasyon ang mga pampublikong sasakyan sa mga lugar na sasailalim sa general community quarantine. Narito ang mga panuntunan kung paano mapapanatili ang physical distancing sa iba't ibang uri ng sasakyan.
Read more »
Pagpapalawig ng lockdown sa NCR pagkatapos ng May 15 ihinihirit ng ilang alkalde
Read more »