Pirma Kapamilya campaign visits Caloocan City ABSCBNfranchise
MAYNILA - Nagpahayag ng suporta ang ilang residente ng Caloocan sa pagbabalik-ere ng ABS-CBN nang magsidagsaan sila sa Pirma Kapamilya Booth sa siyudad ngayong Sabado.Mahigit 300 na ang pumirma sa booth sa Padre Zamora Street, sa Barangay 17, apat na oras matapos magbukas ang booths.
Target ng mga nangangasiwa na ikutin ang mga barangay sa Caloocan sa susunod na araw, ayon kay Jecos Carlos, isa sa mga organizer. “Una ang sentimyento ng mga tao ay trabaho. ’Yung mga nawalan ng trabaho talaga ang sabi nila pandemya nga tinanggalan pa ’yung mga taong nagtatatrabaho. Pangalawang sentimyento nila ’yung pinapanood nila, hindi na raw nagagamit ang TV, wala na silang kasiyahan. Nasa loob na nga sila sa loob ng bahay, wala pang napanood,” ani Carlos.Samantala, nilagyan naman ng Pirma Kapamilya booths ang 3 lugar sa Sariaya, Quezon.
Inihahanda na rin ang Pirma Kapamilya booths na ilalagay sa San Fernando, La Union simula Linggo, Setyembre 13.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Direk Lauren, sinagot kung lilipat na ang Kapamilya stars sa ibang network
Read more »
Caloocan City tiniyak na protektado ang data ng mga residenteng gagamit ng 'q-band'
Read more »