Isa sa mga pamamaraan ng pagboto sa eleksyon para sa OFW ang ‘postal voting,’ kung saan ipinapadala sa koreo ang mga balota. Matatanggap pa ba ang balota kung nagbago ng tirahan? PHVote WeDecide
MANILA, Philippines – Maraming mga Filipino na botante sa ibang bansa ang boboto sa pamamagitan ng koreo – “postal voting” kung tawagin – kung saan ipadadala sa kanila ng embahada o konsulado ng Filipinas ang kanila balota, at saka nila ito ime-mail pabalik pagkatapos bumoto.
Kung postal voting ang ipinatutupad sa bansang kinaroroonan mo, paano kung may nabago o magbagong mga detalye sa iyong voter’s record? Makakaboto ka pa ba?Kung lumipat ka tirahan pagkatapos mong magparehistro, kailangang ipaalam ito sa embahada o konsulado kung saan ka nagparehistro, lalo na kung postal voting ang ginagawa sa iyong lugar.
Sa ilan ding embahada o konsulado, kahit postal ang pamamaraan ng pagboto, pinapayagan ang mga botante na pumunta nang personal sa post o consular mission para kunin ang mga balota, at ibalik din nang personal pagkatapos bumoto.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Beyond the Stories: Paano lumala ang fake news at mga kasinungalingan ngayong 2022 eleksiyon?Paano nagkakaiba ang disinformation landscape ngayong 2022 kung ikokompara noong 2016? Panoorin ang talakayan sa Miyerkoles, Abril 27, ika-9 ng gabi (Manila time)! BeyondTheStories
Read more »
Ask Your Election Lawyer: Ligtas na pagboto sa panahon ng pandemyaAno-ano ang dapat tandaan at paghandaan ng bawat botante sa Mayo 9, 2022? Panoorin ang Ask Your Election Lawyer kasama si Rappler investigative editor Miriam Grace A. Go at Attorney Emil Marañon ngayong gabi, 7 pm! PHVote WeDecide
Read more »
How to remember a lost filmClodualdo del Mundo, Jr. chooses not to forget ‘Ang Daigdig ng mga Api‘.
Read more »