MANAY, Davao Oriental - Namangha ang mga residente sa Barangay Zaragoza sa bayan ng Manay sa Davao Oriental nang makita nilang nangitlog ang isang pawikan Linggo ng umaga.
Ayon kay Barangay Chairman Alma Bangkailan, hindi naman ito ang unang pawikan na nangitlog sa kanilang dalampasigan. Pero unang pagkakataon ito na matunghayan ng mga residente ang aktuwal na pangingitlog ng isang pawikan.
"Blessing talaga sa amin sa barangay dahil sa lahat ng 17 barangays sa amin, kami lang ang pinunpuntahan ng mga sea turtle para mangitlog," aniya. Ayon kay Manay Municipal Administrator Jan Mae Llavore, dahil sa mga bato sa dalampasigan ay natagalang makaahon sa dagat ang pawikan para makarating sa buhangin at mangitlog, kaya naabutan ito ng umaga at nakita ng mga tao.
Naka-cordon na ang lugar na pinangingitlogan ng pawikan at may bantay na rin na mga residente at personnel ng Department of Environment and Natural Resources ang nasabing lugar.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Magnitude 5 quake rocks Davao Occidental
Read more »
Davao Occidental hit by 4.3-magnitude quake By Mike Crismundo BUTUAN CITY - A 4.3-magnitude earthquake jolted Davao Occidental province in Southern Mindanao region early Monday, June 15, the Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) said. In its bulletin, Phivolcs said the tremor
Read more »
Emotions run high among mainstays as 'ASAP' returns to TV
Read more »
Tala sa kapuwa: Sarah G may awit para sa mga Pinoy na bukas-palad tumulong
Read more »
#WalangKuryente: Power interruption sa Luzon sa Hunyo 15-21
Read more »