MAYNILA - Pag-aaralan ng Department of Trade and Industry na magtakda ng suggested retail price sa mga laptop at tablet sa harap ng mataas na demand para sa mga ito.
Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo sa Teleradyo, na may utos ang kalihim nilang si Ramon Lopez na pag-aralan kung paano at kung talagang kailangang maglagay ng "price ceiling" sa mga laptop at tablet.
Inaalam na rin aniya ng DTI kung may hoarding o profiteering kaya tumataas ang presyo, lalo na’t nagsisimula na ang mga online class. "We'll make sure po, on the part of the consumer protection ng DTI, utos din ni Sec. Lopez na bantayan natin pati ang suplay, hindi lang po 'yung presyo na patuloy nating pag-aaralan but also the supply,” ani Castelo.
Payo naman ni Castelo sa mga konsumer na pag-aralang mabuti ang mga "specifications" ng laptop dahil marami namang available o mabibili na sakto lang sa budget. Ngayong suspendido ang face-to-face classes dahil sa COVID-19 pandemic, isinasagawa muna ng mga paaralan ang blended learning methods o ang halong offline at online learning, depende sa kakayahan ng mga estudyante.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Mga may-ari ng tindahan ng tsinelas sa Laguna umaaray sa epekto ng pandemya
Read more »
Bacolod humingi ng tulong kay Duterte dahil sa lumalalang sitwasyon sa mga ospital
Read more »
Hustisya, apela ng grupo ng nurses para sa kasamang namatay sa hit-and-run
Read more »
TINGNAN: Mga face mask, face shield na disenyong katutubo para sa Buwan ng Wika
Read more »