Dagsa ang mga humahabol pauwi sa mga probinsya bago ang Undas.
Sa Parañaque Integrated Terminal Exchange , umabot sa 50,000 hanggang 55,000 ang mga pasahero bawat araw sa nagdaang linggo, bukod nitong Sabado na umabot sa 66,000.
Ayon kay Jason Salvador, ang head for corporate affairs ng PITX, naramdaman muli nitong panahon ng Undas ang dami ng mga pasahero noong bago ang pandemya. Para sa mga uuwi sa Bicol Region kung saan kailangan ng COVID-19 test, bakunado man o hindi, may inihanda ang PITX na swabbing center.Sa terminal na rin chine-check kung negatibo sa COVID-19 ang mga babiyahe.
Nakakalat ang mga guwardiya at mga tauhan ng iba't ibang ahensya para tiyakin ang seguridad at pagsunod sa health protocols. Sa Ninoy Aquino International Airport , may paghaba rin ng pila papasok sa terminal at check-in counter.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Sylvia Sanchez nais tulungan ang mga may kapansananLabis na tumatak sa puso at isipan ng aktres na si Sylvia Sanchez ang kaniyang karakter sa seryeng 'Huwag Kang Mangamba' na si Aling Barang.
Read more »
Herlene Budol, natanggap ang request kay Jak Roberto matapos ang 4 na taon'Naniniwala na ako sa PM is the key,' sabi ni Herlene Budol matapos matanggap ang matagal na niyang request sa kanyang celebrity crush na si Jak Roberto.
Read more »
Riding-in-tandem na snatcher, huli sa MaynilaArestado ang dalawang lalaking nahuli sa CCTV na naghablot ng bag ng isang babae sa Maynila.
Read more »
Award-winning film na 'Muro-Ami,' mapapanood sa I Heart Movies sa darating na linggoHuwag palagpasin ang award-winning film na 'Muro-Ami' sa I Heart Movies ngayong linggo.
Read more »