Lumilitaw sa imbestigayon ng pulisya na pag-tyope sa manok o dayaan sa sabong ang nakikitang motibo sa pagkawala ng nasa 29 na sabungero. Kung papaano ginagawa ang pag-tyope sa manok, ipinaliwanag ng isang handler ng manok na panabong.
Sa ulat ni Emil Sumangil sa GMA News"24 Oras" nitong Biyernes, sinabi ng handler ng manok na itinago sa pangalang"Bruno," na natutunan na niya ang iba't ibang estilo sa dayaan sa sabungan sa tagal niya sa pagsasabong na umaabot na sa 20 taon.
Kabilang sa mga paraan para maging tyope umano ang manok ay pupurgahin ang isasabong na manok bago ang laban para manghina. May pagkakataon din umano na iniiba ang ayos ng tari o ang matalas na bagay na inilalagay sa manok para hindi tamaan ang kalaban na manok. Ayon sa PNP-CIDG na nagsasagawa ng imbestigasyon, ang panyonyope o laglagan ng laban ang lumilitaw na motibo sa pagkawala ng nasa 29 na sabungero.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Pacquiao: Anti-insurgency drive must come with infra development"Malaking improvement lang, maganda &39;yung na-accomplish nila, which is kung ipagpatuloy natin &39;yan tapos pag-uusap ng kapayapaan tapos massive development sa infrastructure sa North Luzon, Visayas and Mindanao, sa tingin ko wala nang mag-iisip na maghawak ng armas," Pacquiao said.
Read more »