[OPINYON] Pangil ng misedukasyon

Philippines News News

[OPINYON] Pangil ng misedukasyon
Philippines Latest News,Philippines Headlines
  • 📰 rapplerdotcom
  • ⏱ Reading Time:
  • 64 sec. here
  • 3 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 29%
  • Publisher: 86%

'Ilusyon ang paniniwala na ang Pilipinas ay isa sa mga English-speaking country.' Opinyon

Taong 1959 nang isulat ni Renato Constantino ang kritikal na sanaysay niyang “Miseducation of the Filipino.” Isa ito sa pinakamahalagang sanaysay sa bansa at dapat mabasa ng bawat Pilipino. Inilatag ni R. Constantino ang mga problema sa sistema ng edukasyon na buhat pa sa edukasyong dala sa Pilipinas ng kolonisasyon ng Amerika. Ang ubod sa problema sa sistema ng edukasyon ng Pilipinas ay ang pagkakasandig nito sa sistema ng edukasyon ng Amerika.

Malaking salik ang wika sa misedukasyong ito. Bagama’t Filipino ang wikang pambansa, Ingles ang gamit ng karamihan ng mga opisyal sa gobyerno, gayundin din sa midya at sa paaralan. Sa kolehiyo, halimbawa, Filipino lamang ang kursong itinuturo sa Filipino. Ang karamihan ay sa wikang Ingles. Mabuti nga siguro kung bilingual tayong mga Pilipino sa wikang pambansa at sa isang internasyunal na wika. Ngunit mangyayari ba ito? Kung noong Ingles lamang ang pinag-aaralan nating wika iilan lamang ang natuto ngayon pa kayang dalawang wika na ang ating pag-aaralan? Para sa kabutihan nating mga Pilipino, lalo na ang kabataan, dapat palitan agad ang bilingguwal na palising ito ng “monolingguwal” na magpapagamit ng isang wika lamang, ang ating wikang pambansa, bilang wikang panturo.

Tingnan nating halimbawa ang resulta ng 2018 Program for International Student Assessment. Sa nasabing resulta na inilabas noong Disyembre 2019, kulelat ang naging iskor ng Pilipinas sa Science, Math, at Reading. Bagama’t maraming sanhi ito, malinaw na malaking salik ang problema sa wikang panturo. Ang mga mag-aaral sa kasabayang bansa ng Pilipinas na naging kalahok sa PISA ay kumuha ng pagsusulit mula sa kanilang wika at itinuturo ang mga disiplinang ito sa kanilang wika.

We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

rapplerdotcom /  🏆 4. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

Ospital ng Sampaloc, binigyan ng 976 Avigan tablets ng DOHOspital ng Sampaloc, binigyan ng 976 Avigan tablets ng DOHMahigit 1,000 ng Avigan tablets ang natanggap ng Ospital ng Sampaloc. Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), nasa kabuuang 976 na tablets ng naturang Japanese anti-flu drug ang natanggap ng ospital. Nagmula ang gamot sa Department of Health (DOH). Kabilang ang Ospital ng Sampaloc sa mga ospital sa bansa na magsasagawa ng clinical trial […]
Read more »

Artistambayan: Online schooling struggles ni Mommy Katrina HaliliArtistambayan: Online schooling struggles ni Mommy Katrina HaliliNgayong nagsimula na ang bagong paraan ng pag-aaral ng ilan sa mga estudyante, paano nga ba dinidisiplina ng Kapuso actress na si Katrina Halili ang kanyang anak?
Read more »

Kikitain ng Ben&Ben song ido-donate sa mga natanggal na empleyado ng ABS-CBNKikitain ng Ben&Ben song ido-donate sa mga natanggal na empleyado ng ABS-CBNIDO-DONATE ng grupong Ben&Ben ang kikitain ng bago nilang kanta sa lahat ng mga empleyadong natanggal sa ABS-CBN. Ibinandera ng award-winning OPM artists sa kanilang Twitter account ang good news na pinuri naman ng madlang pipol. Anila, ibabahagi nila ang kikitain ng kantang “Nakikinig Ka Ba Sa Akin” sa mga ABS-CBN employees na na-retrench dahil […]
Read more »

PLM moves school opening to October 5 - Manila BulletinPLM moves school opening to October 5 - Manila BulletinThe Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) recently announced that it has moved the date of its opening of classes from September 3 to October 5 for school year 2020-2021.
Read more »



Render Time: 2025-02-23 22:28:34