Simula nitong Lunes, Nob. 1, ipinatupad na ng PPA ang 'no permit, no entry' sa mga truckers sa South Harbor at MICT sa Port of Manila.
MAYNILA — Handa na ang mga nakapilang truck driver na may dala nang mga permit kasunod ng mas mahigpit na implementasyon ng pamunuan ng Philippine Ports Authority sa “no permit, no service” policy sa lahat ng pantalan sa buong bansa.
Ayon kay PPA general manager Jay Santiago, ang naturang polisiya ay base sa PPA Memorandum Circular No. 19-2021 na nag-o-obliga sa mga trucking operators na kumuha muna ng certificate of accreditations at permits to operate para sa lahat ng service providers, kasama na ang mga truckers na nag-o-operate sa lahat ng PPA terminal sa buong bansa.“It just so happened that truckers have not been complying with this requirement in the past and have been allowed to do so by mere tolerance.
Nagkaroon lamang aniya ng pag-uusap sa mga kinatawan ng ilang trucking operators, kaya napalawig ang implementasyon ng naturang polisiya hanggang nitong Okt. 31. Sa panayam sa mga nakapilang truck driver papasok sa Pier 16 ng Manila North Harbor, sinabi nilang bagama't inaabot sila ng nasa dalawang oras para makapasok sa pier, normal lang ito kahit bago pa ipinatupad ang polisiya ng PPA.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Mga taga-'Barrio Bisaya' sa Bulacan binigyan ng ayudaNaghatid ng tulong ang ABS-CBN Foundation sa mga nawalan ng hanapbuhay sa isang komunidad sa San Jose del Monte, Bulacan.
Read more »
Mga namatay na aso, pusa inalala sa pet cemetery sa AlbayInalala ang mga namatay na alagang aso at pusa ngayong Lunes sa pet cemetery ng isang farm sa Daraga, Albay.
Read more »
RT-PCR test libre na para sa mga lokal na turistaSimula ngayong Lunes, may libreng RT-PCR test na ang Department of Tourism para sa mga kuwalipikadong lokal na turista.
Read more »
Di nasunod na health protocols? Mga pulis sa Ugbo St. sa Tondo, dinagdagan naDinagdagan na ang bilang ng mga pulis na nagbabantay sa Ugbo St. sa Tondo, Maynila matapos na kumalat sa internet ang mga larawang nagpapakita na walang suot na face mask ang ilang tao.
Read more »
Hinihinalang shabu kumpiskado sa Bulacan; 1 timbogBulto-bulto ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isinagawang operasyon ng PNP drug enforcement group sa lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan.
Read more »