Karaniwang umaabot sa mahigit P100 ang presyo ng tatlo hanggang apat na piraso sa kada order ng shrimp tempura sa mga restaurant. Ngunit sa isang food cart sa Quiapo, Maynila, makakabili ng tempura sa halagang P15 hanggang P25 kada piraso depende sa sukat. At kapag may promo, saradong P100 naman ang pitong piraso.
.Sa nakaraang episode ng “ I Juander ,” itinampok ang “Anoney Tempura Ney,” ni Francis Dizon na matatagpuan sa Carlos Palanca sa Quiapo.“Marami na riyang nag-pares, marami na riyang nagkwek-kwek, seafood talaga. Ang naisip ko, parang wala pa kong nakikitang tempura,” sabi ni Dizon, na inaral daw nang mabuti ang recipe ng tempura.
“Nag-research ako. Hindi ko basta-basta ‘yung biglaan. Pinag-aralan ko talaga lahat, hanggang sa ma-perfect ko nga ‘yung tempura,” dagdag niya. Maaga siyang gumigising ng 5 a.m. o 5:30 a.m. para mamalengke ng mga sariwang hipon sa mga palengke sa Navotas at Malabon. Naibaba niya ang presyo ng tempura dahil inalam din niya kung saan ang pinakamurang bagsakan ng hipon.
Maliban sa sariwa ang hipon, ang nagpapasarap daw sa kaniyang tempura ang kaniyang special butter coating na nagpapa-crispy rin dito.Matapos magsimula noong Marso, may tatlong cart na ngayon ng tempura si Francis at kumikita ng five digits kada buwan.
Btbtalakayan Tempura I Juander Btbtrending
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Woman nabbed for buying newborn for P100,000 in CebuSunStar Publishing Inc.
Read more »
Lalaki, huli sa pag-aalok na baryahan ang pera ng mga kainan at convenience store ngunit tatangayinSa kulungan ang bagsak ng isang 33-anyos na lalaki na may modus na mag-alok sa mga empleyado ng mga kainan at convenience store sa Kamaynilaan na baryahan ang kanilang pera ngunit hindi na ito ibabalik.
Read more »
Customs expected to miss 2025 goalTHE Bureau of Customs (BOC) is expected to fall short of its 2024 revenue target by around P100 billion, a Cabinet official said.
Read more »
GOCC dividends top target as of end-JulyTHE government has collected more than P100 billion in dividend remittances from state-run firms as of end-July, the Department of Finance (DOF) reported on Tuesday.
Read more »
Ipinasarang punerarya sa Maynila, umaabot umano sa higit P100,000 ang singil sa pamilya ng ilang namatayanNakilala na ang dalawa sa 10 nabubulok na bangkay na nakitang nakatambak sa ipinasarang punerarya sa Maynila na ilegal umano ang operasyon. Ang ilan sa bangkay, hindi na makuha ng kanilang mga pamilya dahil sa sobrang laki umano ng singil nito na umaabot sa mahigit P100,000.
Read more »
Singlife PH hits 1 million policy milestone, pays out over P100-M in claims as digital-first model gains momentumDigital life insurer Singlife Philippines has crossed a major milestone with over 1 million policies issued, protecting an equal number of lives since
Read more »