Miyembro ng National Federation of Sugar Workers inaresto sa Negros Occidental

Philippines News News

Miyembro ng National Federation of Sugar Workers inaresto sa Negros Occidental
Philippines Latest News,Philippines Headlines
  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 51 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 24%
  • Publisher: 83%

Authorities arrest a member of the National Federation of Sugar Workers after a grenade and a subversive document was found in a van.

Hinuli ng mga pulis ang isang miyembro ng National Federation of Sugar Workers sa checkpoint sa Cadiz City, Negros Occidental Martes ng gabi.

Nakuhanan umano si Gaspar Davao, organizer ng nasabing farmers’ group, ng isang granada at subersibong dokumento sa loob ng isang pampasaherong van, ayon sa pulisya. Ayon kay Police Lt. Robert Mansueto, hepe ng Cadiz City police, sinita si Davao dahil wala umano itong suot na face mask nang matigil ang van sa isinagawang checkpoint sa Barangay Caduhaan.

Pumalag umano si Davao at napansin ng mga pulis na may dala umano itong granada na nakalagay sa sling bag. Nabawi rin ng mga pulis ang ilang dokumento mula kay Davao.Ayon kay NFSW secretary-general Butch Lozande, hindi kapani-paniwala ang mga paratang ng mga pulis sa kanilang hinuling kasamahan.Ani Lozande, nakasama pa nila si Davao sa isang meeting kasama ang grupong Bayan sa Bacolod City bago ito nahuli.

Nakadetine ngayon si Davao na nahaharap sa kasong paglabag sa city ordinance ukol sa pagsuot ng face mask, disobedience to a person in authority or the agents of such person, kasama na ang illegal possession of explosives.

We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

ABSCBNNews /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

IN PHOTOS: Anak ng celebrities na grumaduate ngayong quarantineIN PHOTOS: Anak ng celebrities na grumaduate ngayong quarantineSa kabila ng banta ng COVID-19, naka-graduate pa rin ang ilang celebrity kids sa kanilang mga eskwelahan. Kilalanin sila rito:
Read more »

Nanay na namatayan ng sanggol, umapela ng tulong para makauwi sa OzamizNanay na namatayan ng sanggol, umapela ng tulong para makauwi sa Ozamiz
Read more »

P2 kada kilo: Oversupply ng kamatis, ikinalugi ng mga magsasaka sa Nueva VizcayaP2 kada kilo: Oversupply ng kamatis, ikinalugi ng mga magsasaka sa Nueva Vizcaya
Read more »



Render Time: 2025-03-14 04:59:07