MAYNILA — Ide-deploy na rin ang mga pulis at sundalo sa mga palengke para tiyaking nasusunod ang physical distancing, isang epektibong hakbang para iwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Sa press briefing, sinabi ni Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases spokesperson Karlo Nograles na bubuo ng "joint social distancing teams" ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines para bantayan ang distansya ng mga tao sa palengke.
"Gagawa po tayo ng joint social distancing teams... na ide-deploy sa public markets... Para sila ang mag-enforce ng strict social distancing measures," ani Nograles. Bago nito, nasita ang Balintawak Market sa Quezon City dahil sa kawalan ng distancing ng mga mamimili. "Napagkasunduan na mananatiling bukas ito para sa wholesale operations pero isasara ito sa retail operations. Yung retail operations po, imbes doon sa Balintawak gagawin, itutuloy po ito ng QC fresh market on wheels program," sabi ni Nograles.
Nauna nang pinulong ni QC Mayor Joy Belmonte ang 7 market owner sa Balintawak kung saan nangakong susunod sila sa nais ng pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
ALAMIN: Sitwasyon sa mga itinuturing na 'COVID-19 free' na lalawigan
Read more »
'Di makauwing OFW sa Italy ginamit ang pamasahe pambiling bigas para sa mga kababayan
Read more »
'Styro art' ibinebenta ng Ilocano artist para makatulong sa mga umaaray sa Luzon lockdown
Read more »
Mga celebrities na naghatid ng tulong sa frontlinersKilalanin ang mga artista na naghatid ng tulong sa mga health workers na lumalaban sa COVID-19 pandemic.
Read more »
Mga Pinoy dumiskarte para gunitain ang Semana Santa habang naka-quarantine
Read more »