KUWAIT - Nagtagisan ng galing ang ilang mga Pinoy sa Kuwait na nangarap maging DJ sa isang DJ competition na inorganisa ng isang online Filipino community radio station sa Kuwait. Isang gaming center staff ang nanalo ng grand prize.
Tuwang-tuwa si Mark Neil Diaz o DJ Neil matapos siyang tanghaling grand prize winner sa Pinoy Arabia ME DJ Quest 2021 na inorganisa ng Pinoy Arabia ME, isang online Filipino community radio station sa Kuwait, tinalo niya ang iba pang 33 DJ questors.
“Nagpapasalamat ako sa Pinoy Arabia kasi hindi lang sa competition na to but you gained a lot of friends at especially madami ako natutunan kung paano makisama at makihalubilo sa lahat ng mga tao regardless po kung anong status mo,” dagdag ni Rose Fe Hina-utan, “DJ Rosie”, Second runner-up, Pinoy Arabia ME DJ Quest 2021.
"I would like to congratulate the 10 successful winners of the DJ Quest. I think this is the 6th Anniversary of Pinoy Arabia and I think before the end of the year you will celebrate the 7th Anniversary because this is a late celebration of the 6th anniversary,” sabi ni Nasser Mustafa, Labor Attache, Philippine Overseas Labor Office - Kuwait.
“Abangan nyo po ang susunod na programa ng Pinoy Arabia ME, yan hindi lang sa pag radio DJ, marami pa pong pa contest ang Pinoy Arabia ME, Kaya maraming salamat sa lahat ng sumusuporta sa Pinoy Arabia ME, todo ang saya dito bida ka," sabi ni Mark the Spark, Rakrakan presenter ng Pinoy Arabia ME.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Beatrice Gomez bet maging action star; willing gumawa ng stunts kahit walang ka-doublePANGARAP pala ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez na maging action star kaya pala nahilig siya sa sports para pampalakas ng stamina niya bukod pa sa kailangan ito para ipagtanggol
Read more »
TINGNAN: Artist nagpipinta ng disenyo sa nitso ng amaIlan sa mga unang pininta ni Jae Valencia ay jersey dahil naglaro’t naging basketball coach ang ama, at gitara bilang pag-alala sa pagiging musikero.
Read more »
Tribo sa Nueva Vizcaya nag-alay ng ritwal para kay IskoNag-alay ng ritwal ang tribong Kalanguya at ilang opisyal sa bayan ng Santa Fe, Nueva Vizcaya para kay presidential aspirant Isko Moreno Domagoso.
Read more »