Nasabat ng mga awtoridad sa isang bakanteng lote sa Patikul, Sulu ang nasa 30 tonelada ng mga giant clam shells, o “taklobo” na aabot sa P45 milyon ang halaga.
Sa ulat ni Efren Mamac sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Lunes, sinabing nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Sulu Maritime Police Station at Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform sa Sulu, makaraang makatanggap sila ng impormasyon tungkol sa umano'y ilegal na koleksyon ng mga higanteng taklobo.
Nakita ang mga taklobo sa isang bakanteng lote sa Barangay Taglibi. Gayunman, patuloy pang hinahanap ang may-ari at financier ng mga ito. "Base sa hitsura ng ating na-recover, matagal na dahil marami nang damong tumutubo doon banda sa paligid ng shell. Base sa imbestigasyon namin, paunti-unti nila itong tinatambak ayon kay Police Major Fritze James Madrid, hepe, Sulu Maritine Police Station.
Idinagdag ni Madrid, na ipinagbabawal ang pangongolekta, pagkuha at pagbebenta ng mga naturang uri ng taklobo na endangered species na. Ibinigay naman sa MAFAR-Sulu ang kustodiya ng mga taklobo habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. --FRJ, GMA Integrated News
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Hataman, nangangamba para sa mga taga-Sulu na wala pang malinaw na pondo para sa 2025Nanawagan si Basilan Representative Mujiv Hataman sa Department of Budget and Management (DBM) na tiyakin na magkakaroon ng pondo ang pamahalaang panlalawigan ng Sulu, makaraang maglabas ng pinal na desisyon ang Supreme Court (SC) na hindi kasama ang lalawigan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Read more »
Mga Pinoy sa South Korea, pinayuhan na huwag sumali sa mga protesta, rally doonMahigpit na pinaalalahanan ng Philippine Embassy sa Republic of Korea ang mga Pinoy na nasabing bansa na huwag makikilahok sa mga nagaganap doon na mga protesta o rally upang hindi magkaproblemang legal.
Read more »
Marcos distributes P45M aid in MindoroPRESIDENT Ferdinand Marcos Jr. led on Thursday the distribution of more than P45 million in financial assistance to farmers and fishermen affected by Severe Tropical Storm Kristine and Super Typhoon Leon in Oriental Mindoro.
Read more »
GCash users, inireklamo ang pagkawala ng libo-libong pera sa kanilang mga accountNagreklamo ang mga user ng GCash nitong Sabado matapos silang mawalan ng libo-libong pera sa kanilang mga account dahil umano sa mga ma-anomalyang transaksiyon.
Read more »
Pneumonia, paano nga ba nakukuha at ano ang mga sintomas?Nitong nakaraang mga linggo, madami umano ang dinadala sa mga ospital, at isa sa mga karaniwang sakit ng mga pasyente ay pneumonia o pulmonya. Ano nga ba ang sakit na ito at totoo bang nakukuha ito kapag natuyuan ng pawis ang tao?
Read more »
Solon asks for more funds for Sulu gov’t servicesDeputy Minority Leader and Basilan Rep. Mujiv Hataman asked the Department of Budget and Management (DBM) to secure the funds needed to finance the
Read more »