Watch more in iWantTFC MAYNILA – Nakaburol na ngayong Martes ang mag-inang malapitang binaril sa ulo ng isang pulis sa Paniqui, Tarlac noong Linggo dahil sa kanilang alitan sa boga.
Laman ng balita ang krimen matapos kumalat sa social media ang walang habas na pagbaril ni Police Staff Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Sonia at Frank Anthony Gregorio, sa harap ng maraming bata."I don't think you can escape the rigors of justice because nakuha sa TV , pati ako napanganga. Walang kuwenta. That's unfair and brutal masyado. Kung ako ang nandiyan, ewan ko lang. Pero I do not like oppression," ani Duterte sa kaniyang public address noong Lunes.
May psychosocial counseling din para sa 9 na menor de edad mula sa pamilya Gregorio at sa dalagitang anak ni Nuezca na saksi sa karumaldumal na krimen. Watch more in iWantTFC Sa ngayon, nakakulong na si Nuezca matapos sampahan ng kasong 2 counts ng murder.