MECQ sa Batanes, pinalawig hanggang katapusan ng Oktubre
Pinalawig hanggang katapusan ng Oktubre ang modified enhanced community quarantine sa lalawigan ng Batanes.
"Mabibigyan din ng panahon ang ating health cluster upang matutukan ang patuloy na case finding and surveillance at pagpapagaling ng mga COVID-19 patients," ayon sa pabatid ng provincial government sa kanilang Facebook page. Nauna nang sumailalim sa enhanced community quarantine ang Batanes sa kasagsagan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 na halos pumalo sa 500 noong Setyembre.Ang magandang balita naman, bumaba ang naitatalang mga bagong kaso habang marami na rin ang recovery o gumaling sa sakit.
Sa tala ng Oktubre 18, nasa 238 ang aktibong kaso o kasalukuyang may COVID-19 kung saan 4 dito ay bagong kaso. Nakapagtala rin ng 37 na gumaling sa sakit nitong Lunes.Mamamahagi naman ng mga gamot gaya ng paracetamol at antihistamine gayundin ng vitamins ang provincial government sa mga residente.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Rizal provincial gov’t thumbs down motorcades for VP Leni, Mayor Sara due to MECQThe Nation's Leading Newspaper
Read more »
Rizal provincial gov’t thumbs down motorcades for VP Leni, Mayor Sara due to MECQThe Nation's Leading Newspaper
Read more »
IN PHOTOS: Hot mom Denise Laurel's #HipsDontLieSuper sexy ang aktres na si Denise Laurel sa kanyang recent vacation sa Maldives.
Read more »
Presyo ng ilang gulay bumaba sa ilang palengkeBumaba ang presyo ng ilang gulay galing Benguet sa ilang palengke sa Metro Manila.
Read more »