Naaresto na ng mga awtoridad ang mastermind at anim pang suspek sa pagpatay sa mag-asawang online seller sa Pampanga. Ang ugat ng krimen, ang paniningil ng mga biktima sa utang ng mastermind na umaabot sa P13 milyong halaga ng beauty products na kanilang ibinebenta.
Sa ulat ni CJ Torida sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Martes, sinabing iniharap ng pulisya sa media conference ang tatlo sa pitong suspek, na responsable sa pag-ambush at pagpatay kina Arvin at Lerma Lulu.
Nitong nakaraang linggo nang barilin ng riding in tandem ang mag-asawa habang sakay ng pickup truck sa Mexico, Pampanga. Naaresto ang itinuturong mastermind sa Apalit, Pampanga, at kabilang siya sa mga iniharap sa press conference.“Allegedly, yung utang niya na P13 million, by products po 'yon, humanap siya ng middleman para ipapatay ang mag-asawang Lulu considering na palagi siyang sinisingil at pino-post pa sa social media,” ayon kay Police Colonel Jay Dimaandal, Pampanga Police Provincial Director.
Umabot umano sa P900,000 ang halaga ng pagkontrata ng mastermind sa mga inupahan nitong papatay sa mag-asawa.Inamin din umano ng mga suspek na may 12 pang kaso ng pamamaril ang kinasangkutan nila mula sa Pampanga, Bataan, at Nueva Ecija. Mahaharap ang mga suspek sa kasong double murder, habang iniimbestigahan din ang asawa ng mastermind kung sangkot din sa pagpatay sa mga biktima.Sa hiwalay na ulat sa GMA News "24 Oras," inihayag ni Dimaandal, na inaanak ng mastermind ang anak ng mag-asawang biktima.Kasama umano sa iniutos ng mastermind sa mga hitman na kunin ang inisyu nitong talbok na tseke na nagkakahalaga ng P13 milyon at dalawang cellphone pero hindi na nagawa ng mga suspek.
Btbpromdi Ambush Online Seller Ambush
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
2 bata, kabilang sa 3 nasawi nang mabangga ng truck ang nag-U-turn na tricycle sa PampangaTatlo ang nasawi, kabilang ang dalawang bata, nang mabangga ng isang dump truck ang tricycle na sinasakyan ng mga biktima sa Candaba, Pampanga.
Read more »
Ramon Ang, Glenn Banaguas, Dante Ang II lead climate change awardsTHE Climate Change Commission proudly hosted the Climate Change Hero Awards at the Manila Marriott Hotel, Pasay City. This prestigious event celebrated the extraordinary contributions of individuals and organizations in the fight against climate change.
Read more »
Marian Rivera, ano ang nasa isip sakaling pasukin ni Dingdong Dantes ang pulitika?Maraming artista ang muling sasabak sa Eleksyon 2025. Sa episode ng 'Fast Talk With Boy Abunda' nitong Lunes, tinanong si Marian Rivera kung ano ang kaniyang iniisip sakaling dumating ang panahon na kumandidato rin ang mister niyang si Dingdong Dantes.
Read more »
TRB: Paniningil ng multa sa mga motoristang walang RFID, peke ang RFID, o kulang ang 'load,' 'di tuloyHindi muna itutuloy ang planong pagmultahin ang mga motorista na dadaan sa mga toll expressway na walang RFID, peke ang RFID, at kulang ang 'load,' ayon sa Toll Regulatory Board (TRB).
Read more »
Namaligya og armas, mga bala naarestoSunStar Publishing Inc.
Read more »
Suspek sa tulis naarestoSunStar Publishing Inc.
Read more »