Dahil sa patuloy na matinding init na nararanasan sa Nueva Ecija, mas malaking bahagi pa ng lumang bayan ng Pantabangan na pinalubog noon nang gawin ang dam ang lumitaw at nagiging instant tourist attraction sa lugar.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Huwebes, sinabing nakapagdaos ng misa ang Diocese ng San Jose, Nueva Ecija sa ibabaw ng pinalubog na lumang bayan ng Pantabangan.
Mas malaking bahagi pa raw ngayon ng lumang bayan na pinalubog noon sa tubig para gawing dam ang lumitaw dahil sa patuloy na pagbaba ng tubig na nasa negative 42 meters na below normal ng antas ng tubig. Makikita na ngayon ang guho ng lumang simbahan, sementeryo at maging ang dating municipal hall, at ang dating bantayog ni Jose Rizal."Yung pagkakalitaw ng lumang bayan natin siguro ay dahil ngayon ay ika-golden anniversary," ayon kay Mayor Roberto Agdipa.
Dinadayo na ito ng mga turista at maging ng mga dating residente para masilayan ang hitsura ng pinalubog na bayan. Pinapayagan na mapuntahan ang lugar ng hanggang 12 ng tanghali lamang. Hindi raw kasi ligtas ang alon sa hapon kapag tinawid ang nakalitaw na bahagi ng lumang Pantabangan gamit ang mga bangka."Nababalitaan namin itong Pantabanagan at napapanood sa news, pagkakataon na naming pasyalan to," sabi ni Hervy Santos.Ayon sa local tourism office, ito na ang ika-anim na pagkakataon na lumitaw ang lumang Pantabangan mula noong 2020.
Btbumg Umgnews Pantabangan Dam Btbtrending
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
You can visit the old Pantabangan town in Nueva Ecija that reemerges amid droughtsThe old sunken town is considered a cultural heritage zone
Read more »
First Gen Corp. to Develop Solar Plants and Wind Farms in PantabanganFirst Gen Corp. has identified potential sites for solar plants, wind farms, and battery energy storage systems in Pantabangan, Nueva Ecija. The company aims to expand its renewable energy portfolio capacity to 9,000 MW by 2030.
Read more »
Submerged town emerges as water reservoir levels dropRemnants of an old town of Pantabangan in Nueva Ecija have emerged as water levels in the dam dropped.
Read more »
Mga pagkain at gamot na hindi dapat pagsabayin dahil itinuturing 'kontra-pelo,' alamin!Ibinahagi ng isang doktor na mayroon mga pagkain na hindi dapat isinasabay sa pag-inom ng ilang gamot dahil magdudulot ito ng masamang epekto o reaksyon sa katawan, o mawawalan ng bisa ang gamot. Alamin kung ano ang mga pagkain at gamot na ito?
Read more »
Korte sa Davao ipinaaaresto Quiboloy dahil sa sexual abuse ng menor de edadNaglabas na ng warrant of arrest ang Davao Regional Trial Court (RTC) Branch 12 ng warrant of arrest laban sa kontrobersyal na founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy para sa reklamong sexual abuse sa bata.
Read more »
Phivolcs nagbabala ng tsunami sa 4 probinsya dahil sa magnitude 7.5 na lindolNagbabala ng 'high tsunami waves,' o matataas na alon dulot ng lindol, ang Phivolcs sa ilang bahagi ng Pilipinas na kaharap ng Karagatang Pasipiko matapos ang matinding lindol na tumama hilagangsilangan ng Taiwan.
Read more »