GENERAL SANTOS CITY - Namuo ang isang buhawi na sinundan ng kidlat pasado ala-1 ng madaling araw nitong Huwebes, sa Barangay Bula sa lungsod ng General Santos.
Ikinagulat ng mga residente ang puwersa nito na nagresulta sa pagkakatuklap ng bubong ng maraming bahay, ang iba rito, tinangay pa ng malakas na hangin.Sa Purok Zone 7, nanlumo ang may-ari ng isang karinderya matapos matanggal ang mga yero sa bubong nila. Ayon sa may-aring si Emy Limbo, masuwerte at walang nasaktan sa kaniyang pamilya dahil karamihan sa kanila, tulog na nang humampas ang malakas na hangin.
Ayon sa punong barangay na si Nicanora Vargas, 82 pamilya lahat ang apektado, na nagmula sa Purok Zone 8, Zone 7, Zone 2-C, at Zone 9.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
ALAMIN: Mga puwede, bawal sa pagtanggap ng dine-in customers sa MGCQ
Read more »