Nakuha mula sa dalawa ang 57 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga umano ng P30,000.
MAYNILA – Arestado ang mag-tiyuhin na dating kawani ng barangay sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay West Rembo, Makati City, Biyernes ng gabi.
Alas-8 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust ang pulisya laban sa target na si alyas Brian. Nahuli siya at kaniyang tiyo na nagsisilbi umanong runner. “Hindi siya haharap agad. 'Yung tiyo niya ang mag-aabot o kaya saka ka niya dadalhin sa kaniya kapag bibili,” sabi ni Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police.Sinermunan ni Simon ang dalawang suspek dahil dati silang kawani ng nasabing barangay. Nauna na silang tinanggal sa serbisyo nang makumpirmang gumagamit ng droga.
“Nung nag-random drug testing, nag-positive sila. Tinanggal sila. Ayun, kinarir nila ang pagbebenta,” ayon kay Kagawad Rodrigo Neri.“Nang makalabas, walang makitang trabaho. Ang masama, 'yung pagtatarya niya sa harap ng mga anak. Kung ano nakikita ng anak, iisipin nila na tama,” sabi ni Simon.Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Patalim na bitbit ng mag-aaral, nagdulot ng takot sa mga kaklase
Read more »
3 magbarkada timbog sa buy-bust sa Davao
Read more »
UN body pabor sa hiling na ulat ukol sa human rights sa Pilipinas
Read more »
Lalaking galing sa hearing, patay sa pamamaril sa Mandaue City
Read more »
Patalim na bitbit ng mag-aaral, nagdulot ng takot sa mga kaklase
Read more »
50 estudyante sa Imus hinihinalang na-food poison sa iced tea
Read more »