MAYNILA - Naglabas na ng bagong quarantine classifications ang pamahalaan para sa ilang lalawigan ng Luzon at Visayas simula Linggo, Agosto 16, hanggang Agosto 31.
Ilalagay sa general community quarantine ang mga sumusunod na lalawigan sa Luzon at Visayas:Mananatili naman ang iba pang bahagi ng bansa sa ilalim ng modified general community quarantine.
Pero ayon kay Roque, magpapatuloy ang mga localized ECQ sa mga lugar kung saan mayroong mga matataas na kaso. "Even areas under GCQ and MGCQ magkakaroon pa rin po tayo ng localized ECQ, so wala po talagang katapusan ang ECQ dahil ang ECQ ngayon localized o granular," ani Roque sa isang televised briefing, Sabado.
Inatasan naman ang National Task Force at Department of the Interior and Local Government na tiyakin ang pagpapatupad ng mas estriktong lockdown sa mga lugar kung saan may maraming bilang ng COVID-19 cases bilang bahagi ng kanilang “Zoning Containment Strategy.” Samantala, nakatakdang ianunsiyo sa Lunes ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lagay ng community quarantine classification sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na nasa ilalim ng mas estriktong modified enhanced community quarantine hanggang Agosto 18.— May ulat nina Michael Delizo at Arianne Merez, ABS-CBN News
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Catholic schools humingi ng paglilinaw sa DepEd hinggil sa sakop ng school opening
Read more »
3 tripulante patay matapos ma-suffocate sa loob ng tangke ng barko sa Batangas
Read more »