Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos tumangay umano ng P10 milyon mula sa isang biktima para sa negosyong piggery na investment scam pala.
Sa ulat ni John Consulta sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, makikita ang pagdakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation Anti-Fraud Division sa suspek na kinilalang si Aldrin Oleta matapos tanggapin ang marked money.Sinabi ng NBI na may dumulog sa kanilang nabiktima ng investment scam ng suspek, na pinangakuan ng malaking kita kung mamumuhunan sa piggery business.
"Kailangan niyang mag-invest ng pera para sa kanilang piggery business at ang magiging hatian ay 30-70. Lumalabas na scam lang pala ang lahat ng ginawa ng suspek sa ating complainant," sabi ni Atty. Gisele Garcia-Dumlao, spokesperson ng NBI. "Meron siyang tseke na ii-issue sa iyo as a guarantee na hindi ka niya maloloko. Pero ano ang nangyari? Nawala rin lahat," sabi ng complainant na si"Rina," hindi niya tunay na pangalan.
"Wala talaga sir na baboy. As in pumunta ako roon sa location, walang baboy. Sobrang sakit po kasi 'yung insurance na nakuha ko nang mamatay ang father ko, napunta sa kaniya," dagdag ni Rina.Tumangging magbigay ng pahayag ang salarin.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
WATCH: Babaeng naglalakad sa bangketa, muntik tamaan ng kotseng sinalpok ng truck sa BulacanMasuwerteng nakaligtas sa matinding sakuna ang isang babaeng nalalakad sa bangketa matapos salpukin ng isang 10-wheeler ang tatlong sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada sa Bulacan.
Read more »
GSIS allots P10 million for 25 adopted schoolsThe Government Service Insurance System (GSIS) has earmarked a P10-million package for 25 schools that the state pension fund will help prepare for the resumption of full in-person classes in
Read more »
Cops seize P10.2M worth of shabu in Mandaue City drug bustAuthorities seized more than P10 million worth of suspected shabu in an early Saturday morning buy-bust operation in Mandaue City, Cebu, and arrested the target suspect.
Read more »
Batang oso, nakitang 'lutang' sa gubat matapos lantakan ang 'mad honey' sa TurkeyTuliro at 'lutang' na parang lasing na sumalampak sa likod ng pick-up truck ang isang batang oso na pinaniniwalang na-'high' matapos masobrahan ng kain ng 'mad honey' sa Turkey.
Read more »
'Rain booth' para sa mga taong nasa maiinit na lugar, itinayo sa California, USAMakakapagpalamig na sa 'ulan' ang mga taong nakatira sa mga maiinit na lugar tulad ng California matapos itayo sa Venice Beach ang isang rain booth na puwede silang mag-shower.
Read more »