Patay ang isang lalaki matapos siyang pagbabarilin sa Novaliches, Quezon City. Ang dalawa niyang kakuwentuhan, inaresto dahil sa hinalang kasabwat sila ng gunman.
Sa ulat ni James Agustin sa GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing nagtamo ng mga tama ng bala sa likod at ulo ang 28-anyos na biktima, na residente ng Barangay Gulod.Batay sa kuwento ng saksi, sumenyas umano ang isa sa mga suspek sa gunman, at doon na nangyari ang pamamaril sa biktima, na dead on arrival sa ospital.
Nang iproseso ng awtoridad ang bangkay ng biktima, may nakita sa kaniya na anim na sachet na hinihinalang shabu ang laman.Isa sa mga tinitingnan motibo ng pulisya sa krimen ang ilegal na droga. Ayon umano sa saksi, kilala ang biktima at ang dalawang naarestong suspek na nagbebenta ng ilegal na droga.
Dati nang nakulong sa kasong pagpatay ang isa sa mga suspek, habang ang isa naman ay dati nang nahuli sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.Kuwento ng isang suspek, kasama nila ang biktima na nagkukuwentuhan nang dumating ang gunman at binaril ang biktima.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
LOOK: M Bakery opens first café concept at OPUS Mall in Quezon CityThe country's first M Bakery Café serves OPUS-exclusive desserts like Banana Pudding Ice Cream, Coffee Affogato, and Ube White Chocolate Coconut Loaded Jars!
Read more »
South Korea’s famous single-serve pizza chain opens in Quezon CityLatest Philippine news from GMA News and 24 Oras. News, weather updates and livestreaming on Philippine politics, regions, showbiz, lifestyle, science and tech.
Read more »
Taxi driver, patay matapos pagtulungan at saksakin ng magkapatid sa Baguio CityPatay ang isang taxi driver na iniwang duguan at nakabulagta sa gilid ng daan matapos pagtulungan at saksakin ng nakaalitang taxi driver din at kapatid sa Baguio City.
Read more »
What to expect at newly renovated PAGASA Planetarium in Quezon CityLearn the origins of the universe in this planetarium located in Quezon City!
Read more »
25-anyos na babae, patay sa saksak ng kaniyang ka-live in sa Butuan CityPatay ang isang babaeng 25-anyos matapos siyang pagsasaksakin ng kaniyang kinakasama sa Butuan City. Ang mga kaanak ng biktima, nadinig ang kaguluhan pero inakala nilang karaniwang pag-aaway lang iyon ng dalawa.
Read more »
Who is Elias Ayuban Jr., new Catholic bishop of southern Quezon City?Cubao Bishop-elect Elias Ayuban Jr. is a Claretian missionary appointed by Pope Francis to replace Honesto Ongtioco, one of the two longest serving bishops of Metro Manila
Read more »