Lalaking OFW, sinorpresa sa higaan ang kaniyang ama't ina

Btb News

Lalaking OFW, sinorpresa sa higaan ang kaniyang ama't ina
BtbpinoyabroadOFW SurpriseOfws In Taiwan
  • 📰 gmanews
  • ⏱ Reading Time:
  • 48 sec. here
  • 6 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 37%
  • Publisher: 68%

Matamis na ngiti at mahigpit na yapak ang tinanggap ng isang lalaking overseas Filipino worker (OFW) mula sa kaniyang ama at ina na kaniyang sinorpresa sa higaan.

Matamis na ngiti at mahigpit na yapak ang tinanggap ng isang lalaking overseas Filipino worker mula sa kaniyang ama at ina na kaniyang sinorpresa sa higaan.

Sa ulat ng programang "Dapat Alam Mo!," ipinakita ang video ng OFW na si Jholee Barres na dahan-dahan na sumiksik sa gitna ng kaniyang natutulog na ama't ina. Nang maramdam ang kaniyang bigat, napatingin ang kaniyang mga magulang at mababakas ang kasiyahan sa kanilang mga mukha nang mapagtanto na ang anak nilang OFW ang tumabi sa kanila.

Para kay Barres, espesyal at walang katumbas na halaga ang naturang sandali dahil 2020 pa nang huli niyang mayakap ang kaniyang mga magulang bago siyang lumipad patungong Taiwan para magtrabaho. Naging mahirap para kay Barres ang naturang panahon dahil pagdating niya sa Taiwan ay nagkaroon ng sakit at naging labas-pasok sa ospital ang kaniyang ina.Kaya naman labis ang kaniyang saya nang puwede na siyang umuwi sa bansa at naisipan niyang sorpresahin ang kaniyang mga magulang na naging matagumpay naman na makikita sa reaksyon ng kaniyang ama't ina.--FRJ, GMA Integrated News

We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

gmanews /  🏆 11. in PH

Btbpinoyabroad OFW Surprise Ofws In Taiwan Btbtrending

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

Ehrran Montoya designs an enchanting ‘Dyesebel’-inspired costume for Ahtisa ManaloEhrran Montoya designs an enchanting ‘Dyesebel’-inspired costume for Ahtisa ManaloThe Filipino fashion designer's creation captures the allure of the iconic Filipino mermaid character
Read more »

Magkakaanak, iginapos at binusalan ng 2 lalaking nanloob sa kanilang bahay sa QCMagkakaanak, iginapos at binusalan ng 2 lalaking nanloob sa kanilang bahay sa QCNakaranas ng trauma ang mga miyembro ng isang pamilya matapos silang pagnakawan, igapos at lagyan pa ng tape sa bibig ng dalawang lalaking nanloob sa kanilang bahay sa Batasan Hills, Quezon City. Ang isang senior citizen na biktima, kinaladkad pa umano.
Read more »

Lalaking papasok ng trabaho, patay nang barilin sa kalye sa MaynilaLalaking papasok ng trabaho, patay nang barilin sa kalye sa MaynilaHindi na nakarating sa trabaho ang isang lalaki matapos siyang barilin ng dalawang ulit sa daan ng lalaking nakasakay sa motorsiklo sa Tondo, Maynila.
Read more »

Lalaking tumatawid sa pedestrian lane, patay sa bundol ng motorsikloLalaking tumatawid sa pedestrian lane, patay sa bundol ng motorsikloNasawi ang isang lalaki matapos siyang mabundol ng isang motorsiklo habang tumawid sa pedestrian lane sa Lipa City, Batangas. Ang rider na nakabundol, tumakas.
Read more »

Rider na tinakbuhan ang nabundol at napatay na lalaking tumatawid sa Lipa City, nasakote naRider na tinakbuhan ang nabundol at napatay na lalaking tumatawid sa Lipa City, nasakote naNadakip na kaninang madaling-araw ang rider na tinakbuhan ang lalaking na kaniyang nabundol at napatay habang tumatawid ang biktima sa pedestrian lane sa Lipa City, Batangas.
Read more »

Tren, napahinto dahil sa lalaking mahimbing na natutulog sa riles na may payong pa sa IndiaTren, napahinto dahil sa lalaking mahimbing na natutulog sa riles na may payong pa sa IndiaNapilitang tumigil sa biyahe ang isang tren matapos mamataan ng driver nito ang isang lalaking mahimbing na natutulog sa riles na kaniyang dadaanan sa Uttar Pradesh, India.
Read more »



Render Time: 2025-02-13 23:28:41